Reunion feels! Julia Montes, masayang nakipag-jamming sa 'Doble Kara' co-stars

Reunion feels! Julia Montes, masayang nakipag-jamming sa 'Doble Kara' co-stars

- Naging viral sa social media ang muling pagsasama ng Doble Kara stars at staff sa isang bar-bistro nang magkantahan at magkasiyahan ang mga ito

- Bumalik ang feels ng nasabing afternoon teleserye nang sariwain ng fans ang success at heavy drama ng bawat eksena nito

- Nagpost pa ng ibang videos ng kulitan at tawanan ng naturang reunion

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang musical team-up ng magbabarkadang sina Julia Montes, Rayver Cruz, Sam Milby, at Edgar Allan guzman sa kanilang fun jamming session, na mayroon ng higit sa 100,000 views sa Instagram.

Makikita sa video sa itaas na hindi tuluyang nagwakas ang komunikasyon at pagkakaibigan ng Kapamilya stars matapos magwakas ang teleseryeng Doble Kara noong 2015.

Sa caption ng post ni Rayver Cruz @rayvercruz, pabirong ibinahagi ng apat na may bago na raw silang raket, at ito ang tumugtog bilang isang banda. Si Julia ang nagsilbing vocalist ng kanilang impromptu band, habang tinugtog naman ni Sam Milby ang gitara at cajon naman kay Rayver Cruz, habang ang tatlong lalaki ang nagsilbing backup vocals.

At dahil dito, bumuhos ang pagbabalik ng #DobleKara feels sa mga netizens na sumariwa ng successful TV series, na siyang ginanapan din ni Maxene Magalona, Mylene Dizon, at ng iba pang malalaking pangalan sa showbiz.

Matapos ang nasabing serye, nagkanya-kanya na muna ang apat at panandaliang nagtimeout muna sa paggawa ng TV projects. Matatandaang nagkaroon ng bagong proyekto si Julia Montes katambal si Paulo Avelino sa afternoon teleseryeng Asintado.

Sa kabilang banda, ano'ng mararamdaman mo kapag narinig mo ang isang weird na diskusyon sa pagitan ng isang lalaki at ng kausap nito sa telepono? Alamin sa nasabing video sa ibaba - sa KAMI HumanMeter Channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Di nakapagpigil! Arnell Ignacio takes cudgels for Regine Velasquez against bashers who insinuated Songbird's in it for money

Di nakapagpigil! Arnell Ignacio takes cudgels for Regine Velasquez against bashers who insinuated Songbird's in it for money

Di nakapagpigil! Arnell Ignacio takes cudgels for Regine Velasquez against bashers who insinuated Songbird's in it for money
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel