Pinay , halos ikamatay na raw ang matinding pag-inom ng softdrinks

Pinay , halos ikamatay na raw ang matinding pag-inom ng softdrinks

- Binahagi ng netizen na si Marilyn Labastida Ayeras ang kanyang karanasan sa labis na pag-inom ng softdrinks

- Aminado siyang 'adik' siya sa softdrinks at maaalat na pagkain ganun din sa mga prito at di pa siya kumakain ng gulay

- Taon ang kanyang tiniis bago matanggala ang naging sanhi ng matinding pananakit ng tiyan niya na naging mitsa pa ng kanyang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kapupulutan na talaga natin ng araw ang karanasan ni Marilyn Labastida Ayeras na aminadong 'adik' na sa softdrinks.

Nalaman ng KAMI na 4th year high school siya nang maranasan niya ang pananakit ng tiyan ngunit isinawalang bahala na lamang niya ito.

Kwento ni Marilyn, pag malapit na siyang datnan ng buwanang dalaw, umiinom siya ng 1 malaking bote ng RC cola samahan pa daw ng tsitsirya. At sa gabi, ganoon muli ang kayang gagawin sa paniniwalang mas maayos ang paglabas ng 'mens' kapag umiinom ng softdrinks.

Nagkolehiyo na raw noon si Marilyn at di pa rin niya pinapansin ang nadadalas nang pananakit ng tiyan.

Isa pang problema ni Marilyn ay di sya kumakain ng gulay. Madalas na prito lamang ang kanyang kinakain, at syempre si mawawala ang softdrinks na pampadighay daw niya.

Sa tindi ng sakit na tila wala raw lunas, nagpatingin na si Marilyn at doon niya nalaman na may bato na siya sa gal bladder.

Taon pa ang binilang bago siya tuluyang maoperahan at kung di pa niya ito pinagawa ay maari niya itong iakamatay.

Naging matagumpay ang operasyon kay Marilyn ngunit magsilbing aral sana sa atin ang kanyang karanasan na ang lahat ng bagay na labis labis ay nakasasama.

Do you want to have a good laugh? Awkward phone call | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Winner number 2! Kinubra na rin ang kanyang P472M

Winner number 2! Kinubra na rin ang kanyang P472M

Winner number 2! Kinubra na rin ang kanyang P472M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel