Fangirling mode ala Jinkee Pacquiao!

Fangirling mode ala Jinkee Pacquiao!

- Hindi kaila sa ating lahat na ang misis ni new World Boxing Association welterweight champion na si Jinkee Pacquiao

- Ilang ulit na din tayong napa-wow sa mga sikat at bigating artista dito at sa Hollywood man na kanyang mga photo op session

- Kaya ngayon, tingnan natin ang mga larawan sa pagiging ultimate fangirl mode ni Jinkiee

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpalabas ng ilang pictures ang GMA News Online sa pagiging fangirl ng misis ni Pacman na si Jinkee Pacquiao.

Ilang mga sikat na mga artista na din ang kanyang nasalamuha at nakapapicture dahil na din sa status ng kasikatan at angking galing ng mister na boksingero.

Kaya ating silipin dito sa KAMI ang mga fangirling mode ni Jinkee Pacquiao.

Sa buhay ngayon nina Jinkee at Manny Pacquiao ay masasabing isa na sila sa mga elites sa bansa dahil na din sa karangyaan ng buhay nila ngayon.

Kaya hindi naman nakakagulat kung magkaroon ng pagkakataon si misis na makapapicture at makasama ang mga sikat at malalaking personalidad sa buong mundo.

Ed Sheeran

Sa sold-out concert ng sikat na singer-songwriter na si Ed Sheeran noong April 8, ay nakasama naman ni Mrs. Pacquiao ang huli at nagkaroon pa sila ng ilang litrato.

Paris Hilton

Pinag-usapan din ang picture niya kasama ang tagapagmana ng Hilton Hotels na si Paris Hilton.

Dahil na din siguro sa kilig at nakakasorpresa na mga pangyayari ay napa throwback Thursday pa si Jinkee sa kaniyang selfie kasama si Paris.

Hillsong United

Sa concert ng Hillsong United ay nakasama din ni Jinkee Pacquiao ang sikat na gospel singer.

Piolo Pascual

Faney din pala si Jinkee Pacquiao kay Papa P at may smiling face with heeart-eyes emoji pa siya na kasama sa caption niya.

Sino naman ang hindi masastarstruck kay Keanu Reeves?

Isa kaya siya sa pinakasikat at pinakagwapong aktor sa showbiz at mabait pa.

Kaya naman napathrowback Thursday si Jinkee sa picture nilang dalawa.

Ji Chang Wook

Siguro, nasa dugo na talaga ng mga Pilipino ang mapahilig sa Korean Drama, at isa sa mga sikat na aktor sa South Korea ay si Ji Chang Wook, at hindi na naiwasan pa ni Mrs Pacquiao ang pagiging faney nito sa Korean aktor.

Kahit sino naman din siguro kung makikita mo ang isa sa pinakasikat na Prinsipe sa buong mundo ay talagang kikiligin ka at mawiwindang ka.

Manny Pacquiao

Pero higit sa lahat, unang-una bago pa man siya maging fan sa ibang mga sikat ay siya ang pinakamalaking fan ng kanyang mister na kamakailang lang ay nagdala ng malaking karangalan sa ating bansa.

Si Jinkee Pacquiao ay nag-tatrabaho bilang sales attendant para sa isang cosmetics brand bago niya nakilala si Manny Pacquiao.

Sa isang shopping mall sila unang nagkita kung saan ang uncle ni Jinkee, na dating trainer ni Manny, ang naging daan para magkakilala sila.

Ikinasal sila noong taong 2000 at meron silang limang anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth and Israel.

POPULAR: Read more news about Manny Pacquiao here

Sa ibang bahagi, narito ang isang bagong bibong social experiment ng aming grupo sa ating mga kababayan.

Ano ang nakikita ninyo?

Watch more makeup tutorials and fitness routine videos on BeKami YouTube channel here

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral

Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral

Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel