Filipino-French football player Alphonse Areola, wagi rin sa 2018 FIFA World Cup Final

Filipino-French football player Alphonse Areola, wagi rin sa 2018 FIFA World Cup Final

- Nagdiriwang din sa pagkapanalo ng France ang goalkeeper ng kanilang koponan na si Alphonse Areola sa FIFA World Cup Final

- Parehong Pinoy ang mga magulang ni Alphonse na pareho ring nagtatrabaho sa France

- Minsan nang naimbita para sa Azkals si Alphonse at labis naman niyang pinuri ang Pinot football team na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Pinoy din ang tumatamasa ngayon ng pagkapanalo ng France laban sa Croatia sa FIFA World Cup Final.

Nalaman ng KAMI na ang goalkeeper ng koponan ay anak ng pareho Pinoy na si Alphonse Areola.

2008 pa lang nang maging bahagi na ng mga youth teams ng France si Alphonse.

Minsan na siyang naituring na isa sa mga 'hero' sa FIFA U-20 World Cup Final kung saan nailigtas niya ang mga spot-kicks mula sa kalabang koponan na si Emiliano Velázquez at Giorgian De Arrascaeta ng Uruguay sa isang penalty shootout na siyang maging dahilan para mamayagpag ang kanilang team sa kaunaunahan nitong titulo sa tournament.

Taong 2011 nang maimbitahan siyang maglaro sa Philippine team na Azkals. Labis namang pinuri ni Alphonse ang mga Pinoy football players.

"I'm happy and proud of the Azkals because they have made rapid progression," wika ng noo'y 19 taong gulang pa lamang na si Alphonse.

"I used to tell my mother it was my dream to have a football team for the Philippines, and now it's happening," aniya.

Umabot ng isang buwan ang mainit na labanan ng France at Croatia na nagtapos sa score na 4-2 para sa titulo ng 2018 FIFA World Cup champion.

Ito ang pangalawang beses na naipanalo ng France ang kanilang bansa matapos ang 20 taon mula nang makamit nila ang kauna-unahang world cup championship.

We are going to surprise the people of the Philippines with a juicy optical illusion. It’s a picture of a bottle floating in the sea. But what is inside this bottle - two passionate lovers or just funny dolphins? Philippines What Do You See Challenge: What Do You See In a Bottle? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates

Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates

Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel