Palaban! Kahit talunan sa Gin Kings, James Yap lumalaban para sa Game 2

Palaban! Kahit talunan sa Gin Kings, James Yap lumalaban para sa Game 2

- Isang talo para sa kanilang "series opener" ay hindi nakapanlumo sa sigasig ni James Yap

- Excited at lumalaban pa rin ang shooting guard/small forward na manlalaro na makalaban muli ang "perennial crown favorite," ang Barangay Ginebra

- Ang nasabing laro ay para sa semifinals ng '2018 PBA Commissioner's Cup'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Si James Yap, kasama ng kanyang mga kagrupo sa 'Rain or Shine Elasto Painters' na koponan ay yumuko sa laro nila laban sa mga Gin Kings ng Barangay Ginebra San Miguel sa puntong 102-89.

Ito ay ang resulta sa laro nila sa Game 1, noong Linggo, ayon sa report ng ABS CBN News.

Napag-alaman namin dito sa KAMI na ang dating MVP ng koponan ay nagbigay ng 15 na puntos sa kanilang pagkatalo.

Ayon pa kay James Yap sa isang panayam pagkatapos ng laro:

“Nag-relax kami sa defense."

Dagdag pa ni James:

“Actually, maganda ‘yung defense nila sa amin. Hindi kami masyadong naka-shoot noong last six minutes, kaya medyo bigla sila lumayo."

Dugtong pa niya:

“Kailangan talaga, double-effort kami on defense.”

Nasa 5 points lang daw ang E-painters sa 10:42 natitira para sa laro nang Gin Kings, ipamalas a 23-4 run na inilagay ang laro sa labas ng abot.

Saad pa ng nalulungkot na si James Yap:

“Biglang lumayo nga eh."

Kahit ano pa man, nagagalak si James na makapaglaro laban sa Gin Kings.

Hindi na siya nakapaglaro sa Rain or Shine at sa quarterfinal series ng Ginebra sa All-Filipino Cup dahil sa "strained calf."

Nanalo ang Gin Kings sa serye sa dalawang laro.

Kaya grabe ang galak naman na sambit ni James sa series na ito:

“This series, I’m so excited.Last conference, ‘di ako nakalaro.”

Pagpapatuloy pa niya:

“Sana, kahit paano, makatulong ako sa team this series. Kaya series eh, para may chance na mag-adjust next game."

Sa Game 2 ng "best-of-five-series" ngayong Martes, sinabi ni James Yap na kailangan nilang gumawa ng adjustments sa magkabilang dulo sa floor kung umaasa sila ang na ma-equalize ang laban nila sa Gin Kings.

Pagpapaliwanag ni James:

“Kailangan 'yung defense namin, 'yun ang i-adjust namin. Siguro i-execute pa namin 'yung play namin. Kailangan ma-execute, minsan nagkakanya-kanya kami eh. So medyo walang flow."

Pagtatapos na pahayag ni James:

“Yung flow ng offense namin, 'di masyadong maganda. Sana next game, okay na."

Sa ibang bahagi, narito ang isang bagong bibong social experiment ng aming grupo sa ating mga kababayan.

Ano ang nakikita ninyo?

Watch more makeup tutorials and fitness routine videos on BeKami YouTube channel here

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates

Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates

Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel