Nakakapanlumo! Pinoy security guard sa Amerika, binaril habang nagvivideo call sa misis

Nakakapanlumo! Pinoy security guard sa Amerika, binaril habang nagvivideo call sa misis

- Isang nakakapanlumo at nakakalungkot na balita galing Amerika ang nabalitaan namin

- Ayon pa sa balita, isang Pinoy na nagtatrabaho umano bilang security guard sa California na basta na lang daw binaril at pinatay ng isang lalaki

- Saad pa sa ulat, ito ay nangyari habang kausap ng mister ang misis sa cellphone ang kaniyang asawa sa Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang nakakapanlumo at nakakalungkot na balitang ito na unang naispatan namin sa BalitamBayan ng GMA ay galing daw sa online news ng 'KTVU Fox.'

Nalaman ng KAMI ang pagkakakilanlan ng bikita bilang si Rolando Romero, 61 years old.

Kinalaunan ay nadakip umano ang suspek sa krimen na si Cardell Coleman, isang 24 years old na lalaki.

Nangyari daw ang krimen sa dakong alas-singko ng umaga noong July 2.

Ayon sa balita, ay malapit na daw itong matapos sa kanyang duty bilang security guard sa isang residentila construction sa Bayview District sa San Francisco, nang bigla umano nilapitan ang Pinoy security guard at barilin ng suspek.

Tumawag daw si Romero sa 911 at naabutan pa daw ng mga pulis si Romero na duguan dahil na din sa tama ng baril at naisugod pa ito sa ospital.

Subalit, hindi na naisalba pa ang buhay niya.

Sa bahagi pa ng balita, napag-alaman na nakilala ang nasabing salarin na si Coleman sa tulong ng CCTV sa nasabing site at naaresto naman daw ito sa sumunod na araw.

Noong unang Linggo ng Martes, pagkatapos ng krime ay naghain daw sa korte ng guilty plea si Coleman sa krimen.

Ito daw ay kahit inaman umano niya sa pulis ang pagbaril at pag-angkin sa nakitang baril na ginamit niya sa pagpatay kay Romero.

Ayo pa kay police Sgt. Tracy McCray, walang isang tao ang dapat mamatay tulad nito.

"No one deserves to die like this."

Dugtong pa ng pulis, ito daw ay isa sa mas masama na gawa ng karahasan laban sa isang tao.

Ito daw ay hindi inaasahan, at walang babala man lang o kahit ano.

"This is one of the more heinous acts of violence against someone. It wasn't expected, no pre-warning, nothing."

Sinabi din umano ng pulis na nagbigay ng $1,000 na donasyon ang San Francisco Police Officers Association sa GoFunMe page na ginawa daw ng mga kaanak ng Pinoy security guard para maiuwi ang kanyang mga labi dito sa Pinas.

Sa ibang bahagi, narito ang isang bagong bibong social experiment ng aming grupo sa ating mga kababayan.

Ano ang nakikita ninyo?

Watch more makeup tutorials and fitness routine videos on BeKami YouTube channel here

Source: Kami.com.ph

Related news
Buwis buhay para sa friendship! 2 Pinay, tinulungan ang kaibigan nilang ikinulong ng amo

Buwis buhay para sa friendship! 2 Pinay, tinulungan ang kaibigan nilang ikinulong ng amo

Buwis buhay para sa friendship! 2 Pinay, tinulungan ang kaibigan nilang ikinulong ng amo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel