Nagsalita na siya! Piolo Pascual, naghayag ng kanyang saloobin tungkol sa pag-iibigang Iñigo-Mariz

Nagsalita na siya! Piolo Pascual, naghayag ng kanyang saloobin tungkol sa pag-iibigang Iñigo-Mariz

- Inamin ni Piolo Pascual na nagbibigay siya ng payo sa anak pagdating sa usaping love life

- Lalo na malamang ngayon na naghayag ng kanyang pagmamahal ang anak para sa napapabalitang nobya nito

- Ayon naman kay Piolo, malaki na ang anak niya kaya alam na nito ang ginagawa niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bilang ama, aminado umano si Pilo Pascual na nagbibigay siya ng payo sa anak kahit sa usapin tungkol sa love life. Tila naman napapanahon ito matapos hayagang sinabi ng anak na si Iñigo Pascual na mahal niya ang napapabalitang nobyang si Mariz Racal.

Malapit talaga ang mag-ama sa isa't-isa. Sa katunayan, sa naunang ulat ng KAMI, makikita ang sweet nilang turingan.

Nang hinagn siya ng reaksiyon hinggil dito narito ang kanyang sagot.

"Malaki na siya! Bahala na siya sa buhay niya. Kung anong gusto niya, panindigan niya," saad ng aktor.

"Wala sa akin 'yan. Handa na ba siya? Hindi naman ako ang makikisama kundi siya. Ang sinasabi ko lang sa kanya, 'As long as you're sincere, as long as you're true to each other at hindi kayo naggagamitan o naglolokohan, walang problema.' dagdag pa ni Piolo.

Ang mahalaga daw ay masaya sila.

"Basta happy sila. Nagpunta 'ko one time sa shoot nila... Labas tayo diyan."

Ano naman ang masasabi niya kay Mariz?

"Mabait siya. Mas una ko pa nga siyang nakilala kaysa sa Iñigo. Sa PBB pa lang," paglalahad niya.

Nakipag duet si Mariz kay Piolo sa isang episode ng PBB.

"Respectful, very sincere. Hindi mo pag-iisipan na baka hindi totoo yung pinapakita niya. Very candid," dagdag pa ni Piolo.

Si Piolo Pascual ay kasalukuyang napapanood sa Primetime TV series na Since I Found You kasama sina Arci Munoz, Alessandra de Rossi, Empoy Marquez at JC de Vera.

POPULAR: Read more about Piolo Pascual here

Makeup For A Gym: Stay Awesome While Working Out | on BeKami

A certified makeup artist of MAC Philippines will create several new looks for our amazing coach Crystalle.

Do you want to learn everything about workout makeup? Click “Play” and enjoy the video!

Source: Kami.com.ph

Related news
Di nakapagpigil! Arnell Ignacio takes cudgels for Regine Velasquez against bashers who insinuated Songbird's in it for money

Di nakapagpigil! Arnell Ignacio takes cudgels for Regine Velasquez against bashers who insinuated Songbird's in it for money

Di nakapagpigil! Arnell Ignacio takes cudgels for Regine Velasquez against bashers who insinuated Songbird's in it for money
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel