Nagbago ang isip? Jennica Garcia, pinag-iisipan kung itutuloy pa ang planong mag-anak pa ng tatlo

Nagbago ang isip? Jennica Garcia, pinag-iisipan kung itutuloy pa ang planong mag-anak pa ng tatlo

- Sa kanyang pagbati sa anak na si Mori, tila nagbago ang isip ni Jennica Garcia

- Ayon sa kanya, kung dati ay plano nila ng asawang si Alwyn Uytinco ang magkaroon ng 5 anak, tila nagdalawang isip na ito ngayon

- Ito ay matapos mapag-isip-isip niya ang hirap nang mabiyayaan pa sila ng isa pang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang pagbati sa kanyang anak na si Mori na nagdiwang ng kanyang ika-tatlong taong kaarawan, ibinahagi ni Jennica Garcia ang kanyang pagbabago ng isip tungkol sa pagkakaroon ng limang anak.

Ayon kasi kay Jennica, hindi na niya nabibigyan ng sapat na oras ang kanyang panganay na si Mori simula nang mabiyayaan sila ng isa pang anak.

Kung dati-rati ay palagi silang nakakapaglaro, medyo kailangang mag-adjust dahil nga may baby siyang inaalagaan.

Narito ang kanyang mensahe para sa anak.

Mahal kong Athena Mori,
Tatlong taon ka na anak. Isusulat ko rin itong mensahe ko saiyo sa papel at ilalagay ko sa family album natin para mabasa mo pag malaki ka na. Anak alam mo ang pangarap namin ng Tatay mo, lima kayong magiging mga anak namin. Pero simula ng nabiyayaan tayo ng Alessi, natigilan ang Nanay. May mga gabi na pag wala ang Tatay Alwyn nasa trabaho naiiyak ako. Nag gabi na, nakatulog ka na pero hindi na natin nagagawa ang mga nagagawa natin nuon. Maraming kantahan, walang sawang luto lutuoan. Ikaw ang may-ari ng karenderia at cook habang ako loyal customer mo. Guguhit tayo gamit ang mga pangkulay mo tapos magkwekwento ko gamit ang mga laruan mong gawa sa kahoy. Bigla ako napa isip na okay na. Kung kayong dalawa na lang ni Alessi okay na ang Nanay. Kasi anak iniwan ni Nanay ang lahat ng meron siya nuon para masigurado ko na buong buo ko maibibigay ang sarili ko sayo. Mahal na mahal ko kayo ni Alessi, Ate Mori at pangako ko saiyo na sisikapin kong maging the best na Nanay para saiyo. Konting adjustment lang Ate Mori kasi kailangan din ako ni Baby Alessi pero dadating yung araw na maibabalik na natin yung mga dati nating ginagawa at magiging mas masaya tayo kasi nadagdagan tayo ng kalaro at makakasama sa buhay. Maligayang kaarawan Ate Mori! Mahal na mahal ka namin. Hinding hindi ko kayo ipagpapalit ni Baby Alessi at Tatay Alwyn. I love you!

Hinahangaan ng maraming nanay ang kasimplehan at pagiging praktikal na maybahay ng anak ni Jean Garcia na si Jennica Garcia-Uytingco. Kahit tumigil na siya sa pag-aartista, tuloy ang kanyang pagbibigay inspirasyon sa pamamagitan ng kanyang social media account.

Isang inspirasyon din siya sa mga ina na nababalak magsimula ng kanilang sariling negosyo habang nasa bahay. Kahit na siya ay buntis, ibinenta niya ang mga gamit sa kanilang bahay at pati mga damit na ayon sa kanya ay hindi na niya magagamit.

Hindi tulad ng iba pang mga kilalang tao, si Jennica ay hindi natatakot na ipakita ang kanyang pagiging simple at kung paano siya magdamit sa bahay.

Bukod sa Ukay-ukay, siya ay isang certified "natural hygiene hygiene consultant" sa ilalim ng Go Diaper Free, isang organisasyon na nagtataguyod ng maagang pag po-potty train ng mga bata. Siya ay din sa Doll-maker din at nagbebenta ng mga sarili iyang gawang manika.

POPULAR: Read more about Jennica Garcia here

Makeup For A Gym: Stay Awesome While Working Out | on BeKami

A certified makeup artist of MAC Philippines will create several new looks for our amazing coach Crystalle.

Do you want to learn everything about workout makeup? Click “Play” and enjoy the video!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pak, ganda pa rin! Melissa Ricks shares struggle with weight gain and being a single mom

Pak, ganda pa rin! Melissa Ricks shares struggle with weight gain and being a single mom

Pak, ganda pa rin! Melissa Ricks shares struggle with weight gain and being a single mom
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel