Away pa more! Matteo Guidicelli, nakipagtalo nang todo sa isang netizen dahil sa plastic

Away pa more! Matteo Guidicelli, nakipagtalo nang todo sa isang netizen dahil sa plastic

- Noong nakaraang Martes, nagbigay ng isang paalala sa publiko ang Kapamilya hunk-actor Matteo Guidicelli ukol sa pag-iwas sa paggamit ng plastic straws

- Nagpahayag ng maaanghang na opinyon ang isang Twitter troll na si "Zig Juan Samaniego" ukol sa nasabing post

- Nauwi sa isang pagtatalo ang Twitter post thread kung saa'y nakatanggap ng suporta ang aktor sa kanyang pagbabahagi ng magandang ideya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Noong nakaraang Martes, nagbabala ang Kapamilya hunk-actor Matteo Guidicelli sa masamang epekto nang paggamit ng plastic straw, at iba pang mga bagay na gawa sa plastic na siyang nagiging sanhi nang pagkasira ng marine life. Ibinahagi ni Guidicelli ang isang video link mula sa Buzzfeed patungkol dito.

Nalaman ng KAMI na isang netizen na may account name na “Zig Juan Samaniego” ang pumuna sa mensahe ng aktor na tila ay nagiging sarcastic o mapang-uyam.

Sa isang report mula sa Fashion PULIS, kinundena ng nasabing troll ang aktor sa kanyang pagiging totoo sa #NoPlastic initiative. Aniya, imbis na mag-Tweet ay simulan na raw ang hakbang sa pamamagitan nang pagpulot ng mga kalat.

Kalmadong sumagot si Matteo nang kanyang sabihing siya mismo ay sinisimulan na ang sariling hakbang sa hindi paggamit ng plastic straws. “Yes, taking steps. My resto doesn’t use plastic straws, I bring my own tumbler, etc. It’s all gotta start our own small way.”

Samantala, patuloy ang troll na si Samaniego sa pang-iinsulto sa aktor nang tanungin nito kung gumagamit ba ang Guidicelli family ng mga kagamitang gawa sa plastic.

"U didnt understand what am i saying...does ure house had plastics...does ure car have plastics in it.."

Naging personalan na ang pahayag ng troll laban kay Guidicelli na ang lahat ng ito ay pawang publicity stunt lamang ng aktor at tinawag pa itong “plastic.”

"Even though faces are plastics...where is ure shop i want to support u...sarcastics u dont even think first...just want publicity...be a change change everything...hehehe peace n love"

Pinaintindi ng Kapamilya actor na matagal ng realidad ang malawakang paggamit ng mga bagay na gawa sa plastic. Aniya, ang maliliit na hakbang ang dapat panatilihin bilang isang “conscious effort.”

"Dude, everything around us has plastic and it's [the] reality; we use it all." But with small efforst with plastic straws, etc., let's make that conscious effort to stop using. [Do you] understand?"

Matagal nang ipinahahayag ni Matteo ang pagsuporta nito sa #NoPlastic movement at ang paggamit ng mga bagay na eco-friendly. Noong 2017, isinuot ng aktor ang isang eco-friendly suit na gawa sa telang Ilocos sa Star Magic Ball.

Pati sa pag-inom ng kape at tubig sa trabaho, ginagamit ng aktor ang sariling tumbler, sa pagnanais na mabawasan at tuluyang tanggaling ang paggamit ng plastic.

Kilala ang hunk-model-actor na si Matteo Guidicelli sa Philippine television sa pagganap niya sa malalaking proyekto ng Kapamilya network at sa hinahangaang relationship goals nila ng Pop Princess na si Sarah Geronimo.

Tayo'y maiba naman, ipinakikilala ang nakakatawa's nakakatuwang eksperimento ng aming pangkat para sa ating mga kababayan.

Ano nga bang ang unang niyong makikita sa imaheng ipapakita sa video sa ibaba?

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral

Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral

Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel