Krisis sa tubig at kung paano mapipigilan ang pagka-ubos nito
- Bagaman ito ay hindi tila tunay, ang kaganapan ng isang malaking krisis sa tubig sa Pilipinas ay diumano'y lumalapit araw-araw
- Siguro, tayong lahat ay makakaisip o maaaring mapaisip, magtataka, at mapatanong, "Anong krisis sa tubig? May krisis sa tubig na papalapit?," at ang sagot daw nito, ayon sa mga eskperto ay "Oo."
- Ang malupit na katotohanan ay may posibleng darating na krisis sa tubig, at ito ay inilahad at inilantad sa event ng 'Sustainability Summit 2018' press launch sa Enderun Colleges
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa isang artikulo sa website na 'When In Manila' ay binahagi nila ang nakakabahalang realidad tungkol sa posibleng pagdating na krisis sa tubig.
Ayon sa manunulat sa paksang ito, umattend daw sila sa usap ng mga panelista ng 'Sustainability Summit' tungkol sa realidad na ito at ang madaliang paglutas o pagpigil sa posibleng nakaabang na mga pangyayari.
Dito din, ayon sa napag-alaman ng KAMI, ang tuon sa nasabing summit.
Nagbigay pa ng "Earth Science facts" ang nasabing artikulo, ayon dito, ang ating mundo ay literal na mayroong 71% na tubig.
Pero isang napakaliit na 2.5% lang nito ay tubig-tabang at 1% lamang daw nito ay naiinum.
Ang mga numerong ito ay hindi talagang nagbabago, ngunit ang pangangailangan para sa maiinom na tubig ay.
Sa populasyon na lumalaki ng mabilis, nagkakaroon na umano ng kakulangan na maiinum na tubig sa bansa.
At tila ay ito isang kabalintunaan sa isang bansa na pinalilibutan ng tubig.
Hindi lang ang agricultural na sektor ang matinding maapektuhan, ngunit pati na rin ang mga naninirahan sa lungsod ang grabe ang epekto nagpapatuloy ang mga taon.
Bago pa man mangyari ang hindi kanais-nais na posibilidad ay may magagawa tayo tungkol dito.
Hindi man siguro natin lubusang mapapawi ang posibilidad na krisis ng tubig pero kaya nating gawin ang pinakamahusay na paraan para maharangan o mapigilan ang pagdating nito.
Ano ang dapat nating gawin para maharangan o mapigilan ang posibilidad na napipintong krisis ng tubig?
1. Baguhin ang iyong pananaw
Ito ang kailangan na una nating gawin.
Ang tamang kaalaman ay ang siyang magpapalakas sa atin upang makahanap ng mga solusyon sa problemang ito.
2. Ipagkalat ang salita o impormasyon
Ang pagkalat ng salita ay magdadala ng atensyon sa kakulangan ng tubig sa ating mga kababayan o kapwa Filipino.
At dahil din dito ay pinapalakas ang pangangailangan ng madaliang pagkilos sa ating bansa.
3. Maghanap ng mga paraan upang makatipid sa tubig
Ang konserbasyon sa tubig ay nangangahulugan ng paggamit ng matalino at matipid.
Gustong malaman ng mga eksperto ng mga tao na ang problema sa tubig ay dapat hindi ipagwalang-bahala o isaisang-tabi sa susunod na araw.
Ito ang tunay na nangyayari at ito ay importante at mabilisan.
Sa pagtatapos, ay isang makakatohanang paglalahad ang sinabi sa isa sa mga panelista na si Engr. Edmond P. Maceda, ayon sa kanya, nakalimutan natin na ang pagpapanatili ay para sa mga susunod na henerasyon na kinabibilangan kahit na ang mga taong mahihirap.
“We forget that sustainability is for the future generations: which includes even the impoverished people.”
Ito ay tinalakay din ng Probe Team noong 2011.
Tingnan ang nasabing pagtatalakay sa video sa baba.
Sa ibang bahagi, narito ang isang bagong bibong social experiment ng aming grupo sa ating mga kababayan.
Ano ang nakikita ninyo?
Watch more makeup tutorials and fitness routine videos on BeKami YouTube channel here
Source: KAMI.com.gh