Mag-amang dinadala ang anak na naka wheelchair sa PGH araw-araw, sinabihang 'sagabal' diumano ng staff ng LRT

Mag-amang dinadala ang anak na naka wheelchair sa PGH araw-araw, sinabihang 'sagabal' diumano ng staff ng LRT

- Isang netizen ang nag-share ng diumano'y pagtaboy ng staff ng LRT sa mag-amang pumupunta sa PGH araw-araw

- Tinutulak ng ama ang anak na naka wheelchair na halatang nagpapagamot sa PGH

- Pinagsabihan diumano sila ng staff ng LRT na nakakasagabal daw ang wheelchair ng dalagita sa mga uupo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nadurog ang puso ng isang netizen na diumano nakasaksi sa isang staff ng LRT na sinaway ang mag-amang araw-araw ay pumupunta sa PGH para magpagamot.

Nakita ng KAMI na ang dalagita ang siyang naka wheelchair. Ang masakit dito, ayon sa netizen ay ang ginawa ng staff ng LRT. Pinagsabihan daw ang mag-ama dahil sagabal daw ang wheelchair ng dalagita sa mga pasaherong uupo.

"Halos araw-araw kong nakakasabay sa LRT1 ang mag amang eto na sumasakay sa edsa going pedro gil-PGH. Pero ngaun may isang staff ng LRT na sumuway sa ama na sinabing nakakasagabal sa ibang uupo ang wheelchair ng dalagita ,ang ginawa ng ama tumayo na lang at gumilid . Kunsidirasyon lang sana gayong may sakit ang kasama ni tatay,imbis na sawayin sana binigyan ng priority."

Yang picture na yan pababa na ang mag-ama,i just took picture kc ang sakit sa loob ko ang ginawa ng staff ng lrt."

Kaya ang ginawa ng tatay, tumayo na lamang ito at gumilid. Ang nakunan na lamang na picture ng netizen ay nung papalabas na ang mag-ama sa tren.

Mag-amang dinadala ang anak na naka wheelchair sa PGH araw-araw, sinabihang 'sagabal' diumano ng staff ng LRT

Mag-amang dinadala ang anak na naka wheelchair sa PGH araw-araw, sinabihang 'sagabal' diumano ng staff ng LRT (Photo: abs)

Sabi ng netizen sa kanyang post, sana kunsidirasyon daw dahil may sakit ang kasama ng tatay, imbes daw na i prioritize sila, ang mag-ama pa ang sinaway.

Maraming netizens ang nagalit sa ginawa diumano ng staff ng LRT, pero may mga nag-comment din na walang staff ang LRT at malamang pasahero daw ang sumaway sa mag-ama.

Pero kahit pasahero o hindi, maraming netizens ang nagsabi na dapat mabigyang priority ang mga may kapansanan.

Tricky Questions: Can you translate this into English? on Kami YouTube channel This video shows the ability of Filipinos to translate sentences hurled at them into the universal English language.

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby Malia cried hard when Pokwang mentioned her ninong Chokoleit’s name!

Baby Malia cried hard when Pokwang mentioned her ninong Chokoleit’s name!

Baby Malia cried hard when Pokwang mentioned her ninong Chokoleit’s name!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel