Video ng OFW daddy na nag-'magic' sa airport bago umalis, nag-viral

Video ng OFW daddy na nag-'magic' sa airport bago umalis, nag-viral

- Nag-viral ang post ng isang ama na OFW dahil sa di umano ay teknik niya ng pagpapaalam sa kanyang anak

- Agaw eksena ang post kung saan tila ba ay nag-'magic' ang isang OFW daddy sa harap ng kanyang baby at asawa para lamang maibsan ang kalungkutan na nararamdaman nila

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang viral post na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang kakaibang teknik ng OFW na ito kung saan tila nagpakita siya ng 'magic' sa harap ng kanyang mag-ina para lamang maibsan ang lungkot na kanilang nadarama.

Nalaman ng KAMI na ang OFW ay si Nafson Tolentino na patungong Canada.

Makikita sa video na nagpapaalam na siya paalis sa kanyang mag-ina at sinabi niya sa kanyang baby na 'I'll do magic'.

Hawak ang kumot, nagkunwaring nawala na lamang bigla si Nafson at naglakad palayo sa kanyang mag-ina.

Nakakdurog ng puso ang reaksyon ng baby kung saan tila ba ay nagtaka nga ito kung nasaan na ang kanyang daddy.

Ayon pa sa post ni Nafson, naisip niya ito para walang 'iyakan' na maganap sa airport sa kanyang pag-alis.

Umabot na sa mahigit 3 milyon na views ang video na ito ni Nafson.

Samantala, umani rin ng iba't ibang reaksyon ang video mula sa netizens. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"ganito gawin mo pgaalis ka,pra di iyak c mommy."

"Ganyan magiging buhay mo pag magwork kana sa Hongkong"

"ako siguro hahagulgol sa magic na yan kapag ikaw na aalis. wag nalang kaya ?? Huhu"

"Sakit sa puso"

"Isa sa mga dahilan Kung bakit ayoko mag pahatid sa airport"

Do you want to learn everything about workout makeup? Makeup For A Gym: Stay Awesome While Working Out | BeKami on KAMI youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pamilyang Pinoy, naipit sa isang department store shootout sa Las Vegas!

Pamilyang Pinoy, naipit sa isang department store shootout sa Las Vegas!

Pamilyang Pinoy, naipit sa isang department store shootout sa Las Vegas!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel