Lola na OFW, nagtatrabaho pa rin bilang crew sa Jollibee Hong Kong
- Isang facebook user ang nagbahagi ng larawan ng isang lola na nagtatrabaho pa rin sa Jollibee sa Hong Kong
- Imbis na maawa ay labis na hinangaan ang matanda dahil sa kasipagan nito at patunay lamang na hangga't kaya pang magtarabaho kahit pa ito sa sa isang fast food chain gaya ng Jollibee ay gagawin pa rin nito
- Napansin din ng netizen na nagbahagi ng larawan na sana raw ay ganito rin ang kalakaran sa ating bansa at di laging 'endo' sa trabaho ang mga manggagawa dahilan para dumami ang tambay sa atin
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Viral ngayon ang larawan ng isang kababayan nating lola na masigasig pa rin na nagtatrabaho bilang crew sa Jollibee Hongkong.
Ayon sa post ni Cassey Angela Guilermo-garganta Idica-marcelino, ganoon daw talaga sa Hong Kong. Di alintana ang edad basta masipag ka at alam mo ang iyong trabaho ng maayos, tatanggapin ka pa rin.
Dagdag pa ni Cassey, sana raw ay ganito rin ang sistema dito sa ating bansa. Madalas daw kasi na 'kontraktwal' lamang ang mga nagtatrabaho at madalas di na ito nakababalik pa.
Nappakarami din daw requirements ang hinihingi, minsan kailangan kang tapos talaga ng kolehiyo bago makahanap ng trabaho.
Nalaman ng KAMI na isa sa nakikitang dahilan ni Cassey ng pagdami ng tambay sa atin ay dahil nahihirapan ang mga kababayan nating makahanap ng trabaho na tatagalan nila dahil madalas sila ay 'endo' agad.
Sabi pa ng netizen, sana raw balang araw ay ganito na rin ang sistema sa ating bansa.
Samantala, di napigilan ng mga netizen na maglabas din ng kanilang saloobin tungkol sa post ni Cassey na tila ba ay sampal daw sa realidad.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"sna nga maisatupad n ang ' no age limit 'pra mpdli ang pag unlad .,& sna din 22o ung nrinig q n ibblik n ang regular s trabaho z pag 6months lang waley isa knnman s mga tambay...."
"Sana makita ng gayahin yan ng goverment natin para maraming may trabaho.kahit may edad na."
"apply k ng work kelangan college level or grad ang qualification...but qualification ng candidate for President ay able to read and write Lang nman as per constitution."
"Sanan ganito di da pinas,wag sana mmili ng edad kasi di nmn edad ung basehan kundi ang kasipgan at kakayahan mong mag trabaho,"
"ama sana nga mabago na kaya lang ang nga nakaupo sa goberno cla lang ang nagkakaroon..puro daldal puro kayabangan Hindi ckaping umunlad ang ating bansa."
"Korek d2 dn sa japan khit matanda Basta may kakayanan pang work tanggap pa"
Do you want to learn everything about workout makeup? Makeup For A Gym: Stay Awesome While Working Out | BeKami on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh