Gustong i-push ang pangarap! Sunshine Cruz, pangarap maging licensed psychiatrist

Gustong i-push ang pangarap! Sunshine Cruz, pangarap maging licensed psychiatrist

- Marami ang humahanga ngayon kay SUnshine Cruz dahil sa youthful glow niya sa kabila ng kanyang edad

- Kalimitang tinatanong kung ano ang kanyang sekreto sa pagpapanatili ng kanyang kagandahan

- Ayon pa sa aktres, pagkatapos niyang maka-graduate sa kursong BA Psychology sa Arellano University, nasa plano rin ni Shine na kumuha ng Master's degree

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa sa hinahangaang artista ngayon sa showbiz ay si SUnshine Cruz. Bukod kasi sa napanatili niya ang kanyang slim figure, tila hindi din siya tumatanda.

Kung titingnan siya ay tila daig pa niya ang ilan sa mga artistang mas bata sa kanya.

“It’s flattering kapag may naririnig ka or nababasa sa social media na they want to have a body like mine; na kahit tatlo na ang naging anak, walang nabago sa katawan ko.

“Sa totoo lang, it takes hard work din.

Ayon pa sa aktres, hindi talaga siya tabain.

“Though naturally slim ako, kailangan ko pa ring i-tone ang muscles ko kasi nga nagkakaedad na tayo.

“My daily workout routine is boxing and zumba.

“Kasama na ang konting pabuhat-buhat sa gym. 'Tapos, may stretching and konting yoga.

Dagdag pa niya, kailangan alagaan ang itsura dahil iyon ang kanilang puhunan bilang mga artista.

“Natutunan ko tagal ko sa showbiz na puhunan naming mga artista ang hitsura namin.

“Kaya kailangan physically maalaga kami para hindi kami nawawalan ng work at nagiging inspiration kami sa mga kabataan ngayon,” saad niya.

Naging usap-usapan din kamakailan ang kanyang pag graduate sa kursong BA Psychology sa Arellano University, nasa plano rin ni Shine na kumuha ng Master's degree.

“Mag-iipon muna ako para ma-afford ko yung pagma-Master.

Ayon pa sa kanya ang kanyang interes sa Psychology ay dahil na rin sa mga taong nakakasalamuha niya.

“Nagkaroon ako ng interest sa psychology dahil na rin sa behavior ng mga taong nasa paligid ko.

“I want to know kung bakit nagbabago ang isang tao. I want to learn about human behavior.

Pangarap niyang magkaroon ns sariling clinic at maging lisensiyadong psychiatrist.

“Gusto ko talagang magkaroon ng sarili kong clinic at maging certified licensed psychiatrist ako balang-araw.

“Lalo na dito sa showbiz, marami akong magiging pasyente!

“Maraming akong kilalang paiba-iba ng ugali at iyon ang gusto kong hanapan ng mga sagot,” sabi pa niya.

POPULAR: Read more about Sunshine Cruz here

Makeup For A Gym: Stay Awesome While Working Out | on BeKami

A certified makeup artist of MAC Philippines will create several new looks for our amazing coach Crystalle.

Do you want to learn everything about workout makeup? Click “Play” and enjoy the video!

Source: Kami.com.ph

Related news
2 beses daw pinagbuhatan ng kamay! Janella Salvador admits seeing a psychologist

2 beses daw pinagbuhatan ng kamay! Janella Salvador admits seeing a psychologist

2 beses daw pinagbuhatan ng kamay! Janella Salvador admits seeing a psychologist
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel