Grab driver, bumwelta sa pasaherong astang mayaman matapos nitong 'magpa-cute' sa kanya

Grab driver, bumwelta sa pasaherong astang mayaman matapos nitong 'magpa-cute' sa kanya

- Viral ngayon sa Grab horror stories ang pagpapa-cute o pagpapapansin ng isang pasahero sa kanyang driver

- Nauwi ang usapan sa di magandang pagpapalitan ng mensahe ng dalawa na nauwi sa panlalait sa driver

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang post lalo na sa parte ng pasahero na tila 'astang mayaman' ngunit halata naman daw na hindi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon sa social media ang viral post ng naging usapan ng isang pasahero at driver ng nasakyan niyang Grab.

Nalaman ng KAMI na nagtext ang baabeng pasahero sa driver na tila nagpaparamdam dito at sinasabing 'crush' niya ang driver ngunit di ito ngumingiti at mukhang masungit.

Sumagot naman ang driver at sinabi sana raw ay bigyang ng konsiderasyon ang mga susunod na masasakyang Grab dahil makipot na daan pala ang nag-iisang dadaanan sa lokasyon ng pasahero.

Sinabi pa ng driver na kulang pa sa pagpapaayos ng gasgas ng kotse ang pamasahe na binayad ng pasahero.

Tila di nagustuhan ng pasahero ang sagot ng driver at di pinansin nito ang 'pagpapa-cute' niya, hinamak niya agad ang driver at sinabing trabaho daw ito ng Grab at 'driver' lang naman daw siya.

Dito na nagsimula ang di magandang palitan ng mensahe ng dalawa. Dumating pa sa punto na lalo pang 'nag-yabang' ang pasahero na di naman daw siya nakatira sa lugar kung saan siya sinundo ng driver at nakatira siya sa condo. Brownout lang daw kaya nakiligo lamang siya sa bahay ng kaibigan niya. Bagay na di pinaniwalaan ng driver na siyang nakatira pala sa totoong condo.

Pinaliwanag niya na hindi nagba-brownout sa condo at may sarili itong generator. Mawawalan lamang daw ng kuryente kung di nagbabayad ang nakatira doon.

Nauwi na sa pananakot ng babae sa ire-report ang driver sa Grab, bagay na di naman kinatakot ng tsuper.

Samantala, umani ng iba't ibang reaksyon ang post na ito mula sa mga netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"When you tried to flirt but failed.."

"Mayaman pala ko kasi nakakapag GRAB ako. Haha! Buti nalang I’m not LEAVING in a condo. Nakakatakot, nagbbrownout. Pakitag nga si ate dito. Umagang umaga, umuulan ng katangahan. Hahaha! Of all places talaga, sa FRIEND nya sa squatters area sya pumunta, hindi nalang nagrent ng ibang room. #SocialClimbing101"

"T** na yan sarap mo hampasin ate nang Dictionary at encyclopedia!!!"

" ikaw din sa condo naka LEAVE"

"Leaving in a condo" Paalis na daw siya sa condo, kasi taga squatters area talaga siya"

"Yung swabe ka sanang lalandi kaya lang di ka pinansin ni crush so nag beast mode ka na lang. Kahiya naman kasi di ba"

It’s a picture of a bottle floating in the sea. But what is inside this bottle - two passionate lovers or just funny dolphins? Philippines What Do You See Challenge: What Do You See In a Bottle? | HumanMeter on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
14-day-old na baby, patay sa pagpapadede raw ng ina na antok na antok na

14-day-old na baby, patay sa pagpapadede raw ng ina na antok na antok na

14-day-old na baby, patay sa pagpapadede raw ng ina na antok na antok na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel