Netizen, binatikos ng husto dahil sa na-ipong ₱68,900 sa loob lamang daw ng 2 linggo

Netizen, binatikos ng husto dahil sa na-ipong ₱68,900 sa loob lamang daw ng 2 linggo

- Viral ngayon ang post ng isang nwtizen kung saan binahagi niya na naka-ipon siya ng halagang ₱68,900 sa loob lamang ng 2 linggo

- May ilang netizens ang bumatikos sa kanya dahil tila imposible ang kanyang ginawang pag-iipon

- Ang ilan naman na nakakakilala talaga sa kanya ay sinabing posible ito dahil sa negosyante naman daw ang netizen at may online business ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa loob lamang daw ng dalawang linggo nagawa ng faceboook user na si Ehla Cho na makaipon ng malaking halaga na ₱68,900.

Nalaman ng KAMI na ang mga perang na-ipon niya ay 'sukli' lamang daw sa sinasabing 'kaartehan' ni Ehla.

"The 2 weeks barya mode,Di ko alam na healthy kana pala kitty ko. Ung tipong mas gusto ko pang gumatos lagi ng buong pera kesa gumastos ng mga barya. adik lang diba. Di ko expect na ganito pala ung mga naipon kong mga sukli sa mga kaartehan ko in 2 weeks. 68,900 pesos," ang caption ng post ni Ehla na kinataas ng kilay ng ilang netizens.

Ayon sa mga netizens paano na raw natawag ni Ehla na 'barya mode' ang ginawa ni Ehla gayung puro perang papel ang karamihan sa na-ipon niya.

Ang ilan pa ay nagsabing pahanga lamang daw ito dahil sa imposible naman na ma-ipon mo ang halagang iyon sa loob lamang ng 14 araw.

Sa mga nakakakilala naman kay Ehla, kakayanin naman daw talaga ito dahil negosyante si Ehla at may online business pa siya.

Bukod pa rito, kinuwestiyon din ang nasabi sa post ni Ehla na mas gugustuhin pa raw ni Ehla na gumastos ng buo kaysa sa barya. Sabi ng ilang netizen, saan daw naging barya ang halagang ₱1,000?

Kaya naman sinagot ni Ehla ang mga espekulasyon na ito sa kanya, "And ung sa post ko din about sa pera sa alkansya? problema nyo dn? tataka kayo bakit nakaipon in 2 weeks? binabash nyo ba tlga ako or pinapasaya nyo ko? galit na galit kayo sakin pero todo pa add kayo sakin? nayayabangan kayo? bat di kayo gumaya? alam nyo, sakit nyo na yang crab mentality.”

Umabot na sa 3 million views, 15k reactions, 10k comments at 31,731 ang post na ito sa ngayon.

Gayunpaman, totoo man o hindi, ang mahalaga ay maipakita sa ating kapwa ang kahalagahan ng pag-iipon.

Which Filipino superstitions do you know? Pinoy Superstitions: Which Filipino Superstitions Do You Know? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel