Alamin: Mga kailangan para makuha ang OFW ID na papalit sa OEC

Alamin: Mga kailangan para makuha ang OFW ID na papalit sa OEC

- Sa kwentong OFW website, ibinahagi dito ang opisyal na pag-announced kamakailan lang ng Department of Labor and Employment tungkol sa pagrelease ng OFW ID sa publiko

- Ang nasabing ID ay inaasahan na palitan ang Overseas Employment Certificate (OEC), o mas kilala ring BalikMangagawa Certificate

- Ang OFW ID ay nakatakda para patunayan na ang migrant worker ay legal na nagtatrabaho sa ibang bansa bilang pinatunayan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA)

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa napag-alaman ng KAMI sa nasabing site ng OFW, ito ang iilan sa mga benepisyo ng OFW ID:

1. Isang mabilis na pagpasok at labas sa mga pintuan ng Philippine Immigration kahit na walang Exit Clearance

2. Wala ng Overseas Employment Certificate o OEC

3. Universal ID para sa mga Filipino workers sa buong mundo

4. Mabilisang transaksyon sa Social Security System o SSS, Pag-ibi, at Philhealth

5. Pwedeng magamit bilang identification card para sa mga layunin gaya ng pagkuha ng clearance mula sa National Bureau of Investigation (NBI)

6. Exemptions sa travel tax

7. Wala ng terminal fees

8. At pwede din daw gamitin bilang ATM card sa OFW Bank

Kamakailan nga ay isang Facebook user na si Rich Esquerra ang nagpost ng happy news sa lahat niyang kapwa OFW.

Nakuha daw niya ito nawalang ka hassle, hassle.

Dagdag pa ng Esquerra na kailangan mo lang daw ng valid email address bago ka makadaan sa proseso na pagkuha sa iyong OFW ID.

Heto ang mga steps na pinagdaanan daw niya sa pagkuha ng kanyang OFW ID:

1. Pumunta sa iDOLE website (https://idole.dole.gov.ph)

2. I-type ang OEC number

3. Dadalhin ka sa isang window na may form na kailangan mong sulatan o sagutan

4. Pagkatapos ay mag-upload ng inyong picture na mayroong white background

5. I-upload din ang inyong pirma. Pwede mo itong gawin sa pamamagitan ng pagpirma sa isang puting papel at kumuha ng litrato nito at i-upload sa system.

Ang OFW ID ay ma-irereleased sa isang linggo. Lalabas daw ito sa online account mo sa iDOLE, at pagkatapos ay pwede mo na itong iprint.

At sa ibang bagay naman tayo, sa aming maraming kababaihan readers, narito ang isang "Pak na Pak! na Kilay for life life," panoorin ang tutorial sa baba para magkaroon ka ng "mala-Instagram na kilay."

Watch more makeup tutorials and fitness routine videos on BeKami YouTube channel here

Source: Kami.com.ph

Related news
Beautiful inside and out! 10 Most admired Pinay superstars

Beautiful inside and out! 10 Most admired Pinay superstars

Beautiful inside and out! 10 Most admired Pinay superstars
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel