Batang babae na takot na takot sa ina, mas pinili pang sumama sa kanyang guro

Batang babae na takot na takot sa ina, mas pinili pang sumama sa kanyang guro

- Viral ngayon ang mga video ng netizen na si 'Kween Sae' tungkol sa isang bata na nakatago sa likod ng kanyang guro habang pinipilit siya ng mismong nanay niya na sumama sa kanya

- Makikita sa video ang komosyon na nangyari kung saan kinailangan pa talagang mamagitan ng barangay at ng pulis

- Humaharap na raw sa ilang reklamo ang guro dahil sa pamamagitan sa sitwasyon ng bata sa ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot na sa halos 3 milyon views ang mga video na binahagi ng facebook user na si Kween Sae kung saan nabulabog ang isang paaaralan dahil sa eksena sa pagitan estudyante, ina nito at kanyang guro.

Nalaman ng KAMI na naganap ang insidente sa Panadtaran Elementary School sa Cebu kung saan sa mismong silid-aralan ng nangyari ang paghaharap ng guro at nanay ng kanyang estudyante.

Kitang kita kung gaano na lamang ang takot ng batang babae sa sobrang pag-iyak nito at talagang nakatago ito sa likod ng guro habang nakayakap din dito.

Ayaw talagang sumama ng bata sa kanyang ina kaya naman umabot na sa bayolenteng paraan dahilayaw ding basta ibigay ng guro ang bata sa kanyang ina.

Napag-alaman na ang nagbahagi ng video na si Kween Sae ay pamangkin ng guro. Sinabi niya na kinasuhan pa ang guro dahil sa di umano'y pamamagitan nito sa ina at sa batang ayaw sumama sa kanya.

Nagalit daw ang ina nang i-transfer ang bata sa ibang eskwelahan na may basbas na o pahintulot ng ama nito.

Mapapansin ang pagiging malapit ng bata sa guro dahil nang wala ang ina, ang guro ang kumupkop at umaruga sa bata.

Samantala, nanggagalaiti na rin sa galit ang mga netizens dahil kitang kita naman ang matinding takot ng bata sa ina na umabot sa punto mas pinipili na ng bata ang kanyang guro kaya sa sariing ina.

Sana raw ay naisip ng ina kumbakit ganoon na lamang ang takot ng bata sa kanya.

Sa ngayon, naitaas na sa DepEd Cebu ang insidenteng ito.

Which Filipino superstitions do you know? Pinoy Superstitions: Which Filipino Superstitions Do You Know? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Hapon, gumastos ng manumbas ₱1 million sa kasal nila ng isang anime' hologram

Hapon, gumastos ng manumbas ₱1 million sa kasal nila ng isang anime' hologram

Hapon, gumastos ng manumbas ₱1 million sa kasal nila ng isang anime' hologram
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel