Nag-eenjoy sa simpleng pamumuhay! John Lloyd Cruz, naka bike lang papuntang barbershop

Nag-eenjoy sa simpleng pamumuhay! John Lloyd Cruz, naka bike lang papuntang barbershop

- Muling namataan ng publiko ang aktor na si John Lloyd Cruz

- Sakay sa isang bike, pumunta siya sa isang barbershop

- Hindi kagaya sa nakasanayan sa kanya, nagpagupit siya sa isang barbershop kung saan nagpapagupit ang mga pangkaraniwang tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan, tila buo na ang loob ng aktor na si John Lloyd Cruz na mamuhay bilang pangkaraniwang mamamayan.

Muling namataan ng publiko si John Lloyd na sakay ng isang bisekleta sa Cebu. Kung dati ay sanay ang tao sa glamorosong buhay artista nito na laging nakasakay sa mamahaling sasakyan saan man ito pumunta, ngayon ay tila mas komportable ito sa kanyang simpleng pamumuhay.

Bilang artista, alam ng publiko na nagpapaayos at nagpapagupit sila sa mga sikat na mga saloon. Sila din ang nag-eendorso ng mga ito.

Sa mga litratong lumabas, pinagbigyan ni John Lloyd ang mga tao sa isang picture nang magpagupit siya.

Samantala, narito ang mga komento ng mga netizens sa mga lumabas na larawan.

akala ko ba ayaw nila ng pap? bakit nagpapapic na ngyn si kuya?!?!
Anyare?!
Good vibes lang!
Wais si lloydie Php40 na lng hair cut!
Kala Ko ba rinerazor lang buhok niya?Mas tipid sana kaysa Php40....
Duming tignan and tumanda hitsura.
Sanay ka kasi na my make uo sila lol. Mahalaga di siya nagugutom
I'm a JLC fan for the longest time. Though I don't agree with some of his life choices (including Adarna #sorrynotsorry), seeing those photos of him having simple life away from limelight, makes me wanna hug and say " this is the life you've always dreamed of and you deserved it". Happy ako para sayo JLC ❤
Mukhang okay at masaya naman sya sa mas ordinaryong buhay sa Cebu. Wag na natin laitin, classmates. Matagal rin naman tayong pinasaya ni Lloydie sa mga ginanapan nya.
JLC is on his happiest state/stage of his life..
Bka ito talaga life na gusto ni jlc, simple and walang nagdidikta kung paano sya magsasalita at gagalaw. Hayaan na natin, baka naman masaya talaga sya.
Kairita talaga si padeep. pasimple kuno ang yabang naman.

Kamakailan lang ay kinompirma ng abogado ni Ellen Adarna na nanganak na nga ang aktres sa kanilang panganay ni John Lloyd Cruz kaya hindi siya makaluwas ng Maynila upang dumalo sa hearing kaugnay sa kasong isinampa sa kanya ng ina ng isang menor de edad na kanyang inakusahang paparazzi.

Si John Lloyd Cruz ay unang nakilala sa longtime running telebisyon show sa 'ABS-CBN,' na may pamagat na 'Tabing Ilog' kung saan nya napakareha si Kaye Abad.

Sya ay ay naging isang malaking bituin na may napakalaki at matagumpay na mga pelikula at serye sa telebisyon na nagdala ng maraming mga parangal at pagkilala sa kanya bilang isa sa pinakamahusay na aktor sa bansa.

POPULAR: Read more about John Lloyd Cruz here

Philippine Yoga Tutorial: Add Zen To Your Workout | on BeKami

Yoga for beginners: your intro to yoga is already on BeKami! Were you aware that Crystalle is not only a well-known fitness trainer in the Philippines but also a big fan of yoga? So, if you have already wanted to try yoga, this tutorial is a perfect opportunity to make the first move towards this activity right from your home!

Watching it, you can learn some basic poses and tips.

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, super excited sa nakakapanabik na episode ng Halik mamayang gabi

Netizens, super excited sa nakakapanabik na episode ng Halik mamayang gabi

Netizens, super excited sa nakakapanabik na episode ng Halik mamayang gabi
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel