Bongga na siya ngayon! Dating nagtitinda ng yema ngayon milyonarya na

Bongga na siya ngayon! Dating nagtitinda ng yema ngayon milyonarya na

- Binahagi ng businesswoman na si Jessie Vitor Maloles ang buhay na dinans niya bago makamit ang tinatamasa ngayong tagumpay

-Di niya malilimutan na minsang nagtinda siya ng yema sa kanilang paaralan para lamang maitawid ang kanyang pang-araw araw na pambaon

- Masasabing sinuwerte si Jessie sa asawa niyang si Rico Maloles ngunit masasabing pinaghirapan niya talaga ang lahat ng negosyong hinawakan niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng milyonaryang si Jessie Vitor Maloles ang kwento ng tagumpay ng kanyang buhay na talaga namang kapupulutan ng aral.

Matinding hirap ang dinanas ni Jessie mula pagkabata. Sa mura niyang edad kinailangan na siyang tumulong sa kanyang lolo na isang mangingisda. Kahit babae pa siya ay nakikibuhat na rin siya ng bangka para lamang may maiuwi siya kahit isang pirasong isda para may mai-ulam ang kanilang pamilya.

Nalaman ng KAMI na masigasig na mula pagkabata si Jessie. Katunayan, nagtitinda pa siya ng yema sa kanyang mga kaklase.

Nagagawa pa niya noong ipagsulat ang kanyang mga kaklase tapos binibigyan lamang siya ng 25 sentimo at iyon na rin ang kanyang pambaon.

Noong siya ay nasa kolehiyo naman, naging tindera siya sa hardware bilang taga kilo ng pako.

Naranasan din niyang maging saleslady siya ng mamahaling mga damit. Hirap ang dinanas niya dito dahil sa trabahong ito, bawal siyang umupo. Kaya naman pag-uwi ng kanilang bahay tinataas na lamang niya ang kayang binti para maibsan ang sakit.

Nasa 3rd year na siya sa kolehiyo nang siya ay nagmahal at nasaktan. Para maka-move on, sumama si Jessie sa pinsan niya sa Maynila.

Narito ang video ng panayam kay Jessie sa programang Rated K:

Dito, niya inaasahan na may isang lalaki na kukuha ng kanyang numero. ayaw man niya, pero ang pinsan niya ang siyang nagbigay ng numero ng telepono nina Jessie na taga Davao.

Tinawagan nga siya ni Rico at pinuntahan pa siya sa Davao. Doon nabuo ang pag-iibigan nila kahit pa 30 taon ang tanda ni Rico kay Jessie.

Nalaman niya na unico hijo oala ng mayamang pamilya sa Maynila si Rico.

Nang sila ay ikasal, sinikap ni Jessie na pag-aralan ang realty business noon kahit pa siya ay under graduate ng kursong business administration.

Pinasok din ni Jessie ang restaurant at resort business at talagang napalago niya ang mga ito.

Kaya naman labis na natuwa ang kanyang mister dahil talaga namang uamarangkada ang kanilang mga negosyo.

Biniyayaan sila ng 5 anak na sa kabila ng maginhawang buhay, tinuruan pa rin ni Jessie na magsumukap dahil lahat daw ng bagay ay pinaghihirapan.

Laking pasalamat din ng kanyang mga magulang dahil sa laki ng tulong lalo na at may sakit ang kanilang ama.

Tumutulong din siya sa mga public schools sa kanilang lugar. Nabiyayaan niya ito ng mga computers, musical instruments at mga libro.

Patunay lamang si Jessie na talagang umiikot ang gulong ng buhay. Dala ng kanyang walang tigil na pagsusumikap, nakamit naman ni Jessie ang tagumpay ay biyaya ng buhay.

Which Filipino superstitions do you know? Pinoy Superstitions: Which Filipino Superstitions Do You Know? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica