Paalala: P7.20 lang ang pasahe ng mga estudyante, senior citizens, at PWDs
- Kamakailan lang ay lumabas ang balita tungkol sa pagtaas ng isang piso sa minimum fare ng pasahe sa mga jeepney
- Pero pagkakaklaro ng 'Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB' na ang diskuwento ay umiiral pa rin
- Mayroong 20% na bawas ang pasahe ng mga estudyante, senior citizens, at PWDs o Persons with disabilities at hindi ito pwede e-round off
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Dahil na din siguro sa mga sumbong o reklamo na natatanggap ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ay kinaklaro nila ngayon ang iilang mga importanteng bagay tungkol sa isang pisong dagdag ng pasahe sa jeep.
Gaya na lang dati, sa batas na ipinatupad tungkol sa diskwento ng pasahe sa mga estudyante, senior citizens, at PWDs o Persons With Disabilities
Ang nasabing diskwento ay epektibo pa rin at kailangang sundin, paalala pa ng LTFRB tungkol dito.
Isang "Public Service Advisory" nga ang naispatan ng KAMI sa Facebook page ng '911 Philippines Supporters.'
At sa nasabing post ay kinaklaro lang ng LTFRB at pinapaalala sa lahat ng jeepney drivers at pasahero na ang 20% discount sa pasahe ay ipinapatupad pa rin.
Kaya naman ang provisionary minimum fare increase ay kukunan o babawasan ng P1.80 pesos mula sa P9.00 na orihinal na presyo ng pasahe.
Ibig sabihin, P7.20 lang ang dapat bayaran ng lahat ng estudyante, senior citizes, PWDs o Persons With Disabilities.
Hindi ito pwedeng e-round-ouff sa P8.00 na pasahe, ayon pa sa pamunuan ng LTFRB.
At pinapaalahanan din ng nasbing pamunuan ang mga jeepney drivers na mag-post ng notice sa loob ng PUJ tungkol sa provisionary minimum fare increase.
At ito ay nilinaw din ng LTFRB Twitter page sa baba:
Ito ay kaugnay sa unang balita na naisulat din namin tungkol sa isang pisong dagdag sa pasahe kamakailan lang.
Ngayon, kasama na din dito ang Mimaropa sa unang tatlong lugar na ibinalita.
At sa ibang bagay naman tayo, sa aming maraming kababaihan readers, narito ang isang "Pak na Pak! na Kilay for life life," panoorin ang tutorial sa baba para magkaroon ka ng "mala-Instagram na kilay."
Watch more makeup tutorials and fitness routine videos on BeKami YouTube channel here
Source: KAMI.com.gh