"Take note Ms. R. V. fyi," Bwelta ng kapatid ni President Rodrigo Duterte

"Take note Ms. R. V. fyi," Bwelta ng kapatid ni President Rodrigo Duterte

- Usap-usapan ngayon ang diumano’y tila resbak ng kapatid ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Jocellyn Duterte Villarica kay Regine Velasquez

- Isang matalinghaga o parinig ang parang pinahawatig ng huli sa kanyang Facebook page na umani ng pansin ng maraming netizens

- Naispatan namin ang nasabing social media post ng kapatid ng Presidente sa 'The Daily Sentry'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kamakailan lang ay ang nagviral ang tweet ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid na nagbigay ng komento tungkol sa trending na bwelta ni President Rodrigo Duterte tungkol sa "Panginoon."

POPULAR: Read more news about Rodrigo Duterte Latest News here

Dahil daw dito ay niresbakan umano ng kapatid ni Digong si Regine sa isang Facebook post na kumuha ng atensyon ng mga netizens.

Ngayon, naispatan ng KAMI ang sinasabi na patama o bwelta ni presidential sister Jocellyn Duterte Villarica.

Ayon sa kanyang post sa social media:

"SHOWBIZ ALA POLITIKA
Lahat ng mga "laos" na artista ginagamit si PRRD pra sumikat!
Alam nman natin na ang droga matindi sa showbiz...
Huwag ng makialam sa politika, uso naman sa inyo paglaos na ang career, mag-ambisyon na sa politika!
Halos lahat ng artista pumasok sa politika, wala talagang alam at dinadaan lng sa kanilang celebrity status, at popularidad...
Gusto na ng taong-bayan magbago, maawa kayo sa bayan, kng wla naman tlaga kayong magawa na mabuti dahil hindi naman kayo qualified, hindi ko nilalalahat!
Huwag ng mag ambisyon na pumasok sa public sevice dahil sawa na ang taong-bayan sa mga polpol at ang intensyon lng ay kumita!... (Milking cow) lng ang politika sa inyo!(emoji)
Kaya bigyan nating daan ang taong may alam, at ibinoto ng bayan na wlang bahid ng pandaraya, sana magising na kayo! ... tulungan na lng natin ang Presidente, gawin ang trabaho nya at itigil ang intriga, dahil sa showbiz lng yan bagay at hindi sa bayan na dinadasal ang pagbabago!(emoji)
Take note Ms. R. V. fyi"

Bumuhos din ang iba't ibang komento ng mga netizens sa post ng kapatid ni Pangulong Duterte laban sa ibang artista na tinatawag nila na "laos."

"Tama po mga laos na artista akala nila iboboto sila ng taong bayan dahil kilaja sila"
"Ganun daw talaga mam jo.. kung gusto mo daw sumikat dikitan mo ang pinakasikat!"
"Gusto kasi nilang sumikat Madam (emoji) kaya nagpapansin lalo na sobrang sikat ang siniraan nila.."

Matatandaan na unang binalita namin dito na nagtweet si Regine Velasquez ng apat na tweet para sa pangulo noong July 8, 2018, ayon sa date stamp sa nasabing screenshot ng source media out at ang sabi niya, as we quote it:

"Nalulungkot na talaga ako, Hindi ako mahilig makialam sa mga ganito pero Mr. President, kuha na po namin na hindi kayo naniniwala kay GOD. Pero marami po sa amin ang naniniwala sa kanya. Hindi naman po namumulitika si God kaya wag po natin sya idamay."

At sa ibang bagay naman tayo, sa aming maraming kababaihan readers, narito ang isang "Pak na Pak! na Kilay for life life," panoorin ang tutorial sa baba para magkaroon ka ng "mala-Instagram na kilay."

Watch more makeup tutorials and fitness routine videos on BeKami YouTube channel here

Source: Kami.com.ph

Related news
Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel