Paul Salas at Barbie Imperial, nagburahan ng mga litrato sa social media!

Paul Salas at Barbie Imperial, nagburahan ng mga litrato sa social media!

- Naging malaking usapan sa social media ang pagbura nina Paul Salas at Barbie Imperial ng mga litrato sa kani-kaniyang social media accounts

- Hindi hayagang inamin ng Kapamilya actress ang umano’y hiwalayan, ngunit nagbigay ito ng ‘di direktang pahayag sa Twitter

- Maraming fans at netizens ang nagpaabot ng kanilang suporta para sa aktres at sa success ng afternoon TV series sa Kapamilya netwrok

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bali-balita ngayon ang umano’y naging hiwalayan ng Kapamilya actress na si Barbie imperial at balik-GMA actor na si Paul Salas.

Nalaman ng KAMI ang usap-usapan hiwalayan nang i-delete nina Salas at Imperial ang mga larawan nilang magkasama at sweet na sweet sa kani-kanyang Instagram accounts. Makikita na ang kanilang wall feeds ay napupuno ng mga larawang nakatuon lamang sa mga sarili.

Sa kabilang banda, ang successful Kapamilya actress ay busyng-busy sa kanyang afternoon teleseryeng Precious Hearts Romances Presents: Araw-Gabi. Ngunit gamit ang Twitter account, nagpost si Barbie nang isang tila malamang mensahe na hindi direktang kinumpirma ang hiwalayan.

Sa kaniyang post, binanggit ng aktres na mas pinipili niyang maging masaya at handang harapin ang buhay dahil ang kasiyahan ay isang “choice.”

Bumuhos naman ang suporta sa Araw-Gabi actress ng kanyang fans pati na rin ng JuanBie fans.

Hindi rin maitatanggi na malaki talaga ang suporta ng netizens sa afternoon teleserye ni Barbie.

Ang isang fan ng aktres ay nakaaamoy ng breakup ng dalawa.

May isa namang netizen na nagsabing maaaring may 'brewing romance' na nagaganap.

Habang patuloy na sumisikat at nagiging viral ang bawat maiinit na eksena ng naturang TV series, hindi raw naiiwasan ni Salas na magselos sa loveteam bagaman suportado niya raw ang kanilang on-cam chemistry. “Special siya sa akin pero trabaho naman ito, eh. Hindi ka puwedeng magpaapekto sa trabaho kasi lalo lang kaming masisira. Basta masaya ako para sa kanya may bago siyang project. Busy-busyhan na siya so support ako sa kanya,” ayon sa report ng ABS-CBN News.

Ano nga ba talaga ang real score sa pagitan ng dalawa?

Isa ang Salas-Imperial sa mga on and off-screen romances na nagpakilig sa fans at netizens matapos maging viral ang mga litrato nilang magkasama sa iba't ibang malalaking okasyon gaya ng Star Magic Ball, pati ang sexy pics ng dalawa sa kanilang summer getaways. Matatandaang nasangkot ang dalawa sa isang serye ng social media feud sa KathNiel. Matapos mamatay ang isyu, walang naging latest updates sa relasyon ng dalawa.

Tayo naman ay maiba, tinanong ng aming grupo ang ilang mga Pinoy sa daan ukol sa mga pinaniniwalaan at isinasabuhay na mga pamahiin. Panoorin sa ibaba ang nasabing video ng aming pagtatanong.

Source: Kami.com.ph

Related news
Wendy Valdez asks prayer support for her one-year-old son Seth who is scheduled to undergo hip surgery

Wendy Valdez asks prayer support for her one-year-old son Seth who is scheduled to undergo hip surgery

Wendy Valdez asks prayer support for her one-year-old son Seth who is scheduled to undergo hip surgery
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel