Bumuhos ang donasyon pagkatapos magviral ang "heartbreaking" excuse letter ng estudyante
- Umapaw ang tulong sa isang estudyate na nagsulat ng isang nakakasakit ng damdamin na excuse letter, ayon sa balita ng Rappler
- Bumuhos ang luha ng lahat ng mga netizens na nakabasa nito at pati na rin ang donasyon para sa nasabing bata
- Agad agad nangako ang mga netizens sa schoo's foundation pagkatapos mabasa ang nakakaantig sa damdamin ng isang estudyante
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Likas na sa ating mga Pinoy ang pagiging maawain at matulungin sa kapwa kaya naman nang nagpost ang isang guro ng isang excuse letter na galing sa kanyang estudyante kung bakit wala siya sa first period sa klase.
Nalaman ng KAMI na inabot ng nasabing estudyante ang isang sulat na naglalaman ng rason bakit hindi siya nakapasok sa unang klase.
Nakakadurog nga ang nilalaman ng hilam ng bata at kaya naman hindi na din napigilan ng guro na eshare ito dahil kahit sino ay maantig talaga sa kanyang kwento.
Sa pagbasa ng mga concerned netizens sa nasabing excuse letter ay sinigurado nila na ang nasabing estudyante na nagviral ng husto ay hindi na mag-aalala sa kanyang allowance.
Si Christian Jay Padilla Ordoña, adviser ng Grade 8 at guro ng Filipino sa Bongabon National High School sa Bongabon, Nueva Ecija ay binahagi ang ngayon ay viral letter ng isa sa kanyang mga estudyante.
Ang estudyante ay si Marinel V. de Guzman, isang 14 years old na nagsulat ng nagviral na excuse letter sa dahilan kung bakit hindi siya nakapasok sa araw na iyon.
Umabot na nga sa libo-libo ang reaksyon, comments, likes, at shares ng naturang post.
Saad naman ng guro na ang absent daw si Marinel sa klase nila ng umaga.
Ayoon sa guro, tinawag daw siya ng bata, at noong panahon na iyon ay nasa tabi siya ng pinto.
Kaya tinanong niya ang estudyante kung bakit absent ito dahil ilang araw na daw ito na ganito.
Sa halip na mag-explain ay nag-abot daw si Marinel ng isang liham na nakasulat ang rason at nahihiyang pumasok sa classroom.
Nadurog talaga ang puso ng guro pagkabasa niya sa sulat.
At dahil dito ay dumagsa ang tulong sa nasabing estudyante.
Si Marinel ay ika apat sa limang anak at sorter of goods and vegetables ang kanyang ina.
Ang kanyang ama naman ay isang magsasaka at coal maker.
Pero dahil sa sulat ay nabigyan ulit ng pag-asa ang bata na hindi na muling mauulit pa ang pangyayari.
Tingnan sa baba ang nasabing viral na "heartbreaking" excuse letter.
Tanong ngayon para sa ating Pinoy, ano ang pamahiin na alam nila at kung naniniwala ba sila o hindi.
Tingnan ang nasabing pagtatanong ng aming grupo tungkol dito sa baba video.
Watch more HumanMeter videos on YouTube
Source: KAMI.com.gh