Bff, kinupkop ang anim na anak, tatay pati na rin ang kapatid ng yumao niyang best friend

Bff, kinupkop ang anim na anak, tatay pati na rin ang kapatid ng yumao niyang best friend

- Nakakaantig ang tunay na pagmamahal ng isang bestfriend na kumupkop sa mga anak ng kanyang bff kasabay ng pag-aalaga sa sarili niyang ama at kapatid na may sakit sa pag-iisip

- Binahagi ni Alex Boboyo kung paano siya tumayong ama sa mga anak ng matalik na kaibigan niyang si Jenny

- Umabot ng 4 million views ang video ni Alex kung saan sinalaysay niya ang kanyang sakripisyo at pagmamahal sa mga anak ng yumao niyang 'Best'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang huling bilin ni Jenny, a ng bff o matalik na kaibigan ni Alex Boboyo bago ito pumanaw at ang pag-aaruga sa kanyang mga anak kahit ano pang mangyari.

Nalaman ng KAMI na sabi pa ni Jenny, huwag iwawalay ang mga anak niya kay Alex at aalis lamang daw ito sa pudar ni Alex pag ito ay nag-asawa na o nagkatrabaho na.

Kwento ni Alexmagsisimula ang araw niya sa pag-aasikaso sa mga anak ni Jenny sa pagpapasok nila sa paaralan.

Matapos ito, saka pa lang ito makagagawa ng mga gawaing bahay at isusunod naman nito ang pag-aasikaso sa kanyang ama at kapatid na may kapansanan.

Ayon kay Alex, di na niya iniisip ang kanyang sarili dahil mas importante raw sa kanya ang na makatulong siya.

Samantala, ang panganay naman ni Jenny na si Jayjay para makahanap ng trabaho at makatulong kay Alex.

Tila nasuklian ang kabutihan ni Alex nang matulungan sila ng programang 'Wish ko Lang'. Binigyan ang mga bata ng mga school supplies. May kasama pa itong mga bisikleta para sa pagpasok nila sa paaralan.

Ang tatay ni Alex ay nabiyayaan ng wheelchair at tungkod at siyempre para sa pangkabuhayan, nabigyan si Alex ng Sari-sari store at libreng renovation ng kanilang bahay.

Ang panganay naman sa magkakapatid na si Jayjay at nabigyan ng scholarship para makapag-aral sa Tesda at nang sa ganun ay makahanap ng trabaho.

Malaking tulong ito sa kanilang pamilya na kahit di man sila magkadugo ay kitang kita ang pagmamahal at pagmamalasakit sa isa't- isa.

Umabot na mahigit na 1 milyong views ang video nila Alex ang kanyang mga 'anak'.

Which Filipino superstitions do you know? Pinoy Superstitions: Which Filipino Superstitions Do You Know? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Single mom na OFW, matagumpay na naitaguyod ang dalawang anak sa loob ng 20 taon

Single mom na OFW, matagumpay na naitaguyod ang dalawang anak sa loob ng 20 taon

Single mom na OFW, matagumpay na naitaguyod ang dalawang anak sa loob ng 20 taon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel