What?! Joshua Garcia pakakasalan si Julia Barretto sampung taon mula ngayon

What?! Joshua Garcia pakakasalan si Julia Barretto sampung taon mula ngayon

- Nagulantag ang lahat ng mga fans at nanonood ng 'Tonight with Boy Abunda' kamakailan lang dahil sa sagot ni Joshua Garcia sa tanong ni Boy

- Hindi nga nakatakas ang batang aktor sa tanong ni Tito Boy na tila isang mahirap na tanong para sa iba tungkol kay Julia

- Tinanong lang naman ang 'I Love You Hater' aktor kung pakakasalan ba daw niya si Julia sa oras kung saan ready na siya mga 8 to 10 years mula ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kamakailan lang ay bumisita nga ang dalawang bida ng 'I Love You Hater' na pelikula ng Star Cinema na sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa show ni Tito Boy ang 'Tonight with Boy Abunda,' at dito, hindi nakatakas ang batang aktor sa tanong ng huli.

Napanood din ng KAMI ang naturang video at talaga namang kinilig, nagulantang, at medyo ma pa teary-eyed ka sa dalawa at sa mga rebelasyon na binahagi nila sa show.

Ang tanong pa ni Boy Abunda kay Joshua Garcia:

“When you’re ready, eight to ten years from now... will you marry Julia?”

Agad naman sinagot ito ni Joshua ng:

"Yes po."

Tinanong din ang dalawa kung kumusta na ba daw sila ngayon, ang sagot naman ni Joshua:

“Ngayon okay po kami. Masaya kami kasi nalagpasan namin yung trial na dumaan. May natutunan po kasi talaga ako dun sa nangyari yun. Yung pahalagahan kung anong meron ako.”

Ang saad naman ni Julia ay natutunan daw niya na isa siyang malakas na babae, dagdag pa niya:

“Matibay po pala talaga ako. Strong woman pala talaga ako. Hindi pala ako basta-bastang sumusuko sa taong mahal ko.”

Sa pagpapatuloy na bahagi ni Julia, sa huli ay kailangan mo lang daw na pakinggan ay ang iyong sarili.

“I have to go through it in front of the world... hearing different opinions, Tito Boy. At the end of the day pala, you need to just listen to yourself. You heart, your mind. Kasi yun pala ang pinakaimportante talaga.”

Panoorin ang kabuuan ng nasabing panayam:

Tanong ngayon para sa ating Pinoy, ano ang pamahiin na alam nila at kung naniniwala ba sila o hindi.

Tingnan ang nasabing pagtatanong ng aming grupo tungkol dito sa babang video.

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel