Throwback Thursday! Balik tanaw sa tumatak na 1986 UP team champions

Throwback Thursday! Balik tanaw sa tumatak na 1986 UP team champions

- Saad pa sa balita ng ABS-CBN News, ang pagbalik tanaw sa 1986 UP team champions ay isang tagumpay na tumatak sa kasaysayan

- Dahil iyon daw ang kauna-unahang pagkakataon, pagkatapos ng mahigit sa apat na dekada, na pinanalo ng University of the Philippines ang UAAP men's basketball championship

- October 1986, ang petsa na hindi talagang makakilimutan ng Fighting Maroons dahil sa wakas ay naputol ang dekadang pagkatalo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balitang nakung ng KAMI, tila nakaukit na nga sa kasaysayan ng UAAP at sa balitaan ang kauna-unahang pagkakataon na nanalo ang UP Fighting Maroons pagkatapos ng mahigit apat na dekadan o mahigit sa 40 years na pagkatalo sa men's basketball championship ng organisasyon.

Dagdag pa sa ulat, ang Fighting Maroons daw ay nanalo dati ng championship noong 1940 pero noong panahon na iyon ang titulo ay ibinahagi nila sa Far Eastern University at University of Santo Tomas.

Pero sa wakas, pagkatapos ng mahigit sa apatnapung taon ay pinutol nila ang pag-asang "three-peat" ng University of the East sa isang matindi at mahirap na laban na, ayon pa sa mga Fighting Maroons' fans, "brought on the tears," at ito ay kabilang ng lahat mula kay Ed Angara hanggang sa Sigma Rhoans," pagsasaad pa umano ng 'The Philippine Star.'

Ayon sa pagsasalarawan ni Lito A. Tacujan ng nabanggit na newspaper sa mga UP supporters na nagtipon sa Ultra para manood ng laro laban sa Warriors na pinangungunahan ni Jerry Codiñera sa "winner-takes-all" game sa finals.

"A generation of fans bereft of UAAP glory."

Sa patuloy niyang paglalarawan sa kanyang artikulo, sambit pa niya:

"These are the Beatle diehards, the Diliman Commune cadres, the guys who stormed the Dean's office, and barricaded the campus against the Metrocom. When they regrouped at EDSA, People's Power was an old exercise. But not for a UAAP crown."

Ang manipis na grupo ng UP fans ay napasindak sa mga defending champions, at kalaunan ay nagwagi ang Fighting Maroons.

Dagdag pa ni Tacujan, pinangunahan daw ito ni Eric Altamirano, subalit si Benjie Paras daw ay ang

"the youth who made it all happen"

Dumagdag din umano ng puntos si Ronnie Magsanoc para sa wakas ay ipanalo ang laro na may puntos na 98-89, at gumawa ng kasaysayan na mahigit sa tatlong dekada pagkatapos ay nanatiling maulit.

Dugtong pa sa balita, ang mga namuno sa makasaysayang championship ng koponan ay nanatili pa rin sa limelight kahit na mahigit tatlumpung taon na nakakaraan.

Sina Benjie Paras, Ronnie Magsanoc, Eric Altamirano, at Coach Joe Lipa.

Ang ibang miyembor ng nasabing team na dumagdag o nag-ambag sa pagkuha sa titulo ay sina Joey Guanio at Joey Mendoza ay nanatili pa ring sangkot sa basketball.

Tanong ngayon para sa ating Pinoy, ano ang pamahiin na alam nila at kung naniniwala ba sila o hindi.

Tingnan ang nasabing pagtatanong ng aming grupo tungkol dito sa baba video.

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide

Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide

Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel