Pasahero, nadurog ang puso sa batang nag-aalok ng 'paintings' sa halagang ₱5

Pasahero, nadurog ang puso sa batang nag-aalok ng 'paintings' sa halagang ₱5

- Nakakalambot ng puso ang post ng netizen na gumagamit ng pangalan na Brytooot sa twitter

- Binahagi ni Bry ang isang eksena kung saan may batang nag-alok sa kanya ng kanya raw paintings na nagkakahalaga ng ₱5

- Maraming netizens ang naantig at tinanong ang lokasyon ng bata para makabili rin daw sila ng 'paintings' nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang nakakaantig na post ng twitter user na si @Brytooot kung saan binahagi niya ang kwento ng isang batang lumapit sa kanya ata nag-alok ng kanyang paintings.

Nalaman ng KAMI na ang paintings na tinutukoy ng bata ay ang simpleng guhit lamang sa kanyang pad paper.

Ayon pa kay Bry, inaalok ito ng bata sa halagang ₱5 para lamang daw may pambaon siya pagpasok sa paaralan.

Labis na naantig si Bry at nilagay pa sa post niya na ipagpatuloy lang sana ng bata ang kanyang pagguhit at sana ay makabili ang bata ng masarap na pagkain.

Maging ang mga netizens ay di napigilang maantig sa binahagi na ito ni Bry. Tinanong pa ng iba kung saan ito matatagpuan at nang sa gayon ay makabili rin sila ng 'paintings' ng bata.

“Sa may mcdo po malapit sa ust, nag roroam around lang siya dun feel ko," ang sagot ni Bry.

Samantala, umabot na sa halos 5,600 retweets ang post at 29,411 likes.

Gaya ni Bry, walang ibang nais ang mga netizens kundi maabot ng bata ang kanyang mga pangarap at ipag patuloy lang ang pagguhit na mula naman talaga sa kanyang puso.

Which Filipino superstitions do you know? Pinoy Superstitions: Which Filipino Superstitions Do You Know? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Inalala: 5 Youth Leaders na nagbuwis ng kanilang buhay sa panahon ng Martial Law

Inalala: 5 Youth Leaders na nagbuwis ng kanilang buhay sa panahon ng Martial Law

Inalala: 5 Youth Leaders na nagbuwis ng kanilang buhay sa panahon ng Martial Law
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel