Extended! Taiwan visa-free entry hanggang July pa sa susunod na taon

Extended! Taiwan visa-free entry hanggang July pa sa susunod na taon

- Kani-kanilan, ayon sa pagbahagi ng Rappler, inextend ng Taiwan ang visa-free entry sa mga Pinoy hanggang 2019

- Ayon pa sa ulat, ang trial period ng pribilehiyo ng visa-free entry ay ipagpapatuloy sa susunod na taon

- Sa July 31, 2019 na daw ang visa-free entry sa Taiwan ng mga Pinoy at ito ay susuriin para sa posibleng higit pa o isa pang extension

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang balitang ito na napag-alaman ng KAMI ay galing mismo sa Taipei Economic and Cultural Office.

Ayon sa report ni Paterno Esmaquel II sa nasabing media outlet, inannounced nga ng Taiwan ngayong araw na ito, Huwebues, July 12, 2018, na inextend nila ang kanilang visa-free privilege para sa ating mga Filipino.

Ito ay hanggang sa July 31, 2019, at pagkatapos, ito ay susuriin muli kung pahahabain muli ang patakarang ito.

Saad ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) na sa ngalan ng gobyerno ng Republic of China (Taiwan), the Taipei Economic and Cultural Office (TECO) sa Pilipinas ay lugod daw nila na ina-announce na ang visa exemption program para sa mga Filipino ay maeextend sa susunod na taon.

Ang trial period umano ay magpapatuloy hanggang sa katapusan ng Hulyo, 31 sa 2019, at susuriin muli kung dadagdagan pa ba o pahahabain pa ang nasabing extension.

Dagdag pa sa kanilang announcement, ayon sa balita, na ang prelihibiyo daw na ito na visa-free entry para sa mga Pinoy ay ang reflection ng tapat na kalooban at pagkakaibigan patungo sa lahat ng mga Filipinos sa ilalim ng 'New Southbound Policy.'

Ang patakaran na ito ay nilalayon na bumuo ng mas malakas bilateral relations at mas malapit na pakikipag-ugnayan sa mga tao sa pagitan ng Taiwan at Pilipinas.

Matatandaan na ipinatupad ng bansang Taiwan kamakailan lang ang visa-free policy sa isang trial basis mula noong Nobyembre 1, 2017, hanggan sa Hulyo 31, ngayong taon, 2018.

Dagdag pa sa balita, sinabi din ng gobyerno ng Taiwan ang mga kailangan ng isa turistang Pinoy para makakuha ng visa-free entry sa kanilang bansa.

Heto ang mga kailangan ng isang visa-free Filipino na bisita na kailangan matugunan:

1. Isang ordinaryo o regular na passport na mayroong natitira na bisa ng hindi bababa sa 6 months o anim na buwan mula sa date of entry.

2. Kailangan din ng return ticket o ticket para sa susunod na destinasyon at visa para sa susunod na destinasyon, kung mayroon man

3. Walana criminal record o ibang record ng misconduct sa Taiwan

4. Proof of accomodation, ito ay maaring hotel booking o host/sponsor's contact information, o arrangements ng biyahe, event,s meetings, at iba pa

Ang diplomatic at official passport holders ay hindi karapat-dapat o eligible sa visa-free treatment

Gayunpaman, ang mga Pinoy na gustong magstay sa Taiwan na mahigit sa dalawang linggo o 14 na araw o ang purpose ay ang pag-aaral, trabaho, misyonero, at ibang pakinabang na mga gawain ay kailangan pa rin na magkaroon ng angkop na visas bago pa man pumasok ng Taiwan.

Tanong ngayon para sa ating Pinoy, ano ang pamahiin na alam nila at kung naniniwala ba sila o hindi.

Tingnan ang nasabing pagtatanong ng aming grupo tungkol dito sa baba video.

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Say cheese! 6 Cutiepies ng mga sikat na nakakagigil ang happy smile

Say cheese! 6 Cutiepies ng mga sikat na nakakagigil ang happy smile

Say cheese! 6 Cutiepies ng mga sikat na nakakagigil ang happy smile
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel