4-year old patay ng bala mula sa anti-drug operation sa Cebu City

4-year old patay ng bala mula sa anti-drug operation sa Cebu City

- Isa na namang inosenteng bata ang nadamay dahil sa anti-drug operation doon sa Cebu

- Siya ay si 4-year-old Skyler Abatayo, batang walang kinalaman sa kung ano ang mga nangyayari noong mga oras na iyon

- Sabi ng mga report, nanlaban daw ang mga drug suspects kaya may shootout na nangyari at natamaan si Skyler

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang buy-bust operation ang nauwi sa di inaasahang pangyayari dahil nga nadamay ang isang inosenteng bata.

Nalaman ng KAMI na ito ay naganap sa Cebu, pagkatapos magsagawa ng operasyon ang mga pulis sa isang grupong nagpo-pot session at nagrerepack ng shabu.

Nang makatanggap ng reports ang pulis, agad naman nila itong inaksyunan.

4-year old patay ng bala mula sa anti-drug operation sa Cebu City

4-year old patay ng bala mula sa anti-drug operation sa Cebu City (Photo: Skyper FB page)

Ayon sa salaysay ng pulis, dalawa daw sa kanila ang nag-inspeksyon at dalawa ang naiwan.

Sa ulat ng Rappler, nang dumating ang mga pulis, sinalubong daw sila ng mga suspek "drawing their guns" at ang sumunod dito ay ang pagpalitan ng putok.

4-year old patay ng bala mula sa anti-drug operation sa Cebu City

4-year old patay ng bala mula sa anti-drug operation sa Cebu City (Photo; abs-cbn)

Walang suspek din daw ang nahuli o namatay pero isang 4-year-old na bata ang nadamay.

Siya si Skyler Abatayo. Dinala nila ang bata sa ospital pero DOA na ito.

Sabi pa ng pulis, sigurado daw sila na ang bala na pumatay kay Skyler ay hindi galing sa kanila but sa mga suspetsado.

Hindi pa ito napatunayan ng isang ballistics examination.

Si Skyler ay hindi ang unang batang biktima ng stray bullet galing sa anti-drug operation. May isang batang 5-year-old din from Dagupan na namatay noong 2016 dahil dito.

Cool set of exercises that you can do at work to keep fit from our coach Chrystalle - on Kami YouTube channel This video helps you to keep fit even if you're at the desk all day. These are exercises that are simply very easy to follow and do.

Source: Kami.com.ph

Related news
Katulong 'di alipin! Sigaw ng netizens sa Kuwaiti star na 'di sang-ayon sa day-off ng Pinay DH

Katulong 'di alipin! Sigaw ng netizens sa Kuwaiti star na 'di sang-ayon sa day-off ng Pinay DH

Katulong 'di alipin! Sigaw ng netizens sa Kuwaiti star na 'di sang-ayon sa day-off ng Pinay DH
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel