ALAMIN: Isasara na mga kalsada sa Maynila ngayong July 14 at 15

ALAMIN: Isasara na mga kalsada sa Maynila ngayong July 14 at 15

- Ayon sa ulat ng ABS CBN News, ito ang mga karsada sa Maynila na isasara ngayong July 14 at 15

- Ito ay dahil sa paglulunsad ng "Worldwide Aid to Fight Poverty" ng Iglesia ni Cristo (INC)

- Silipin kung anu-ano na mga karsada sa siyudad ang isasara para sa malawakan at malakihan na event na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dahil nga sa nalalapit na paglulunsad ng religious group na Iglesia ni Cristo o INC ng "Worldwide Aid to Fight Poverty,' ay nag-abiso na ang MMDA o Metropolitan Manila Development Authority ngayong Miyerkules, July 11, 2018, ng mga karsada sa Maynila na isasara ngayong Sabado at Linggo, July 14 at 15, 2018.

Ayon sa balita na nalaman ng KAMI ay inaasahan nila na mayroong 200,000 na miyembro ang nasabing grupo na dadalo sa dalawang araw na event na idadaraos sa Rizal Park.

Alas-sais ng gabi, mula Sabado ay isasara sa mga motorista:

"ang kahabaan ng Katigbak Drive, South Drive, at Independence Road"

Simula naman ngayong Linggo sa oras na 12:01 ng hatinggabi ay isasara ang mga sumusunod na mga kalsada sa Maynila:

"Kahabaan ng Road-10 mula Moriones hanggang Delpan Bridge"
"Kahabaan ng Bonifacio Drive mula Delpan Bridge hanggang Katigbak Drive"
"Kahabaan ng Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang P. Ocampo"
"East at westbound lane mula P. Burgos mula Lagusnilad hanggang Roxas Boulevard"
"Finance Road mula Taft Avenue hanggang P. Burgos"
"Westbound lane ng T.M. Kalaw mula M.H. Del Pilar hanggang Roxas Boulevard"
"Westbound lane ng Pres. Quirino mula M.H del Pilar hanggang Roxas Boulevard"

Kaya naman ay pinapayuhan ang mga motorista na sundin ang mga alternatibong mga daanna nasa baba habang sarado ang nga kalsada na nakalista sa taas:

"Lahat ng mga sasakyang balak dumaan sa southbound lane ng R-10 ay maaaring kumaliwa sa Moriones Street hanggang sa destinasyon. "
"Lahat ng mga sasakyang manggagaling sa Pasay area na balak dumaan sa northbound lane ng Roxas Boulevard ay maaaring kumanan ng P. Ocampo Street o gamitin ang Roxas Boulevard service road hanggang sa destinasyon. "
"Lahat ng mga sasakyang mula sa mga tulay ng Quezon, McArthur at Jones na balak dumaan ng southbound lane ng Roxas Boulevard ay maaaring dumeretso ng Taft Avenue hanggang sa destinasyon. "
"Lahat ng mga sasakyang magmumula sa Ayala Bridge ay maaaring kumaliwa/ kumanan sa Taft Avenue hanggang sa destinasyon. "
"Lahat ng mga sasakyang balak dumaan sa westbound lane ng Pres. Quirino ay maaaring kumaliwa ng Mabini Street hanggang sa destinasyon. "
"Lahat ng mga heavy vehicle/ cargo truck ay pinapayuhang dumaan sa Pres. Osmeña patungong Pres. Quirino, deretso sa Nagtahan, A.H. Lacson, Yuseco, Capulong hanggang R-10 (at vice versa)."

Tanong ngayon para sa ating Pinoy, ano ang pamahiin na alam nila at kung naniniwala ba sila o hindi.

Tingnan ang nasabing pagtatanong ng aming grupo tungkol dito sa baba video.

Watch more Humanmeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Ina, nakuha nang magpaalam sa mga anak dahil sa inaakalang malubhang karamdaman

Ina, nakuha nang magpaalam sa mga anak dahil sa inaakalang malubhang karamdaman

Ina, nakuha nang magpaalam sa mga anak dahil sa inaakalang malubhang karamdaman
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel