Waley kay Winwyn Marquez ang pagsali ng trans women sa Miss Universe

Waley kay Winwyn Marquez ang pagsali ng trans women sa Miss Universe

- Ang balita nga galing sa PEP ay hindi daw pabor ang hinirang na Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Ssen na si Winwyn Marquez sa idea na sasali ang trans women sa Miss Universe pageant

- Kasunod ito sa pagkapanalo ng isang trans woman bilang Miss Universe Spain 2018 na si Angela Ponce kamakailang lang

- Kung papayag ang Miss Universe Organization, ang nasabing hinirang na beauty queen ay siyang magging kinatawan ng bansang Spain sa darating na Miss Universe 2018

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naisaptan ng KAMI ang nasabing panayam ng press people kay Winwyn Marquez kung saan sinabi niya ang pagtutol nito na sumali sa Miss Universe ang trans women.

Sa darating na Miss Universe 2018 kung saan si Catriona Gray ang pambato ng Pilipinas ay makakalaban ng ating kandidata ang trans woman na si Angela Ponce na siyang kinatawan ng bansang Espanya kung ito ay pahihintulutan ng Miss Universe Organization.

Gayunpaman, nilinaw ng 26-year-old Pinay beauty queen na wala siyang anumang isyu o problema sa mga transgenders at love daw niya ang idea na open ang Spain at pinayagan nila ang isang trans woman na sumali.

Saad niya:

“I have nothing against transgenders. I’m really proud na sobrang happy, out na talaga, and everyone is respecting them, di ba? Pero Miss Universe per se, sana ibigay na lang sa natural-born women."

Pagpatuloy pa niya:

"And then kasi, there is Miss International Queen, it’s a prestigious pageant also. Ang Miss International Queen ay isang beauty pageant na eksklusibo para sa mga trans women."

Dagdag pa ni Winwyn

“And I think, parang let’s just give it for natural-born women, and for transgenders to have their own prestigious pageant. It’s tradition for Miss Universe."

Pagtatapos pa ng Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Ssen:

Pero kung ia-allow naman ng Miss Universe Organization, then we should accept it also, walang problema.”

Tungkol naman sa Miss Universe Organization, wala pang official statement ang naturang pamunuan kung pahihintulutan nila na makasali si Angela Ponce sa susunod na Miss Universe pageant.

Tanong ngayon para sa ating Pinoy, ano ang pamahiin na alam nila at kung naniniwala ba sila o hindi.

Tingnan ang nasabing pagtatanong ng aming grupo tungkol dito sa baba video.

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Dakilang panunulsol! Daniela, inutusan si Marga na kunin ang loob ni Cassie

Dakilang panunulsol! Daniela, inutusan si Marga na kunin ang loob ni Cassie

Dakilang panunulsol! Daniela, inutusan si Marga na kunin ang loob ni Cassie
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel