Sobrang laki ng pinayat niya! Claudine Barretto, ginulat ang mga followers sa mga transformation photos

Sobrang laki ng pinayat niya! Claudine Barretto, ginulat ang mga followers sa mga transformation photos

-Nagpahinga si Claudine sa showbiz para magbigay panahon sa kanyang mga anak simula nang siya ay maging isang single mom

-Laki naman ang pinagbago ng kanyang itsura dahil hindi na niya mabigyang pansin ang kanyang sarili

-Nagulat naman kamailan ang kanyang mga followers dahil sa kanyang mga transformation photos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kilala bilang isang magaling na aktres si Claudine Barretto. Ang kanyang kasikatan ay nasa pagitan ng panahong 90’s hanggang taong 2000’s. Siya ay kilala sa kanyang galing sa kanyang acting at hosting skills. Naging sikat din ang tambalan nila ng yumaong si Rico Yan. Talaga namang tumatak ang kanyang galing sa puso at isip ng mga Pilipino.

Subalit, nagpasya si Claudine na magpahinga muna sa showbiz para bigyang pansin ang kanyang responsibilidad bilang isang single mom. Mahirap ang mga pinagdaanan ni Claudine sa mga panahong ito kung kaya’t pati ang kanyang sarili ay hindi na nagawang bigyang pansin. Lalong halata ito sa kanyang panlabas na itsura. Iba ang Claudine noon sa nakikita ng mga followers sa kanyang mga Instagram posts.

Ngunit, kamailan lang ay nagulat ang marami sa kanyang mga followers dahil sa mga transformation photos na kanyang ibinabahagi. Madami ang nagbigay sa kanya ng magagandang kumento at sinabing nagbabalik na ang dati niyang itsura.

Nabalita naman na pinaghihirapan ni Claudine ang kanyang mga work outs sa Elorde Gym. Masaya naman ang kanyang mga fans at sinasabihan siyang bumalik na sa mundo ng showbiz. Mahaba pa ang kanyang tatahakin ngunit marami ang natutuwa sa kanyang pagsusumikap.

Si Claudine Baretto ay isang Filipina actress, entrepreneur at product endorser. Siya ay pinanganak taong 1979. Nagsimula si Claudine sa variety show na Ang TV noong 1992 at naging lead actress ng Mula Sa Puso taong 1997. Nagpakasal siya kay Raymart Santiago noong 2006 ngunit naghiwalay din noong 2013. Mayroon silang 2 anak at 1 adopted ni Claudine.

This public prank contains the most hilarious reactions ever! Are you scared of snakes? Today we are going to find out how many people are afraid of snakes. These strangers from the Philippines were shocked when a fake snake was thrown at them! However, not all of them were scared. Do you want to see their reactions? How would you react? – on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Cuteness overload! Georgina Wilson's baby Archie, couldn't stop giggling over a Filipino word

Cuteness overload! Georgina Wilson's baby Archie, couldn't stop giggling over a Filipino word

Cuteness overload! Georgina Wilson's baby Archie, couldn't stop giggling over a Filipino word
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel