OMG, cuteness overload! 'Hello Kitty' jeep, agaw eksena sa mga kalsada ng Angeles City

OMG, cuteness overload! 'Hello Kitty' jeep, agaw eksena sa mga kalsada ng Angeles City

- Isang netizen ang nagbahagi ng Hello Kitty jeepney sa kanilang lugar sa Angeles City

- Talagang inabangan pa raw ito ng facebook user na si Jessica Salaum sa terminal ng jeep para makapagpa-picture sa agaw eksenang jeepney na ito na punong puno ng Hello Kitty designs

- Nag-viral ang post dahil sa nakakamangkang pink na disenyo na tiyak na papatok di lang sa mga kabataan kundi maging sa mahilig sa cute na bagay gaya ng karakter ni Hello Kitty

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mapapalingon ka daw talaga pag nakita mo ang Hello Kitty jeep na ito na agaw eksena sa mga kalsada ng Angeles City.

Nalaman ng KAMI na binahagi ng isang netizen ang larawan ng kakaibang disenyo ng jeep na ito na talaga namang nakaka-good vibes.

Ayon sa post ni Jessica, na hinabol pa niya ito na magparada sa terminal para manlang makapagpa-picture sa cute na cute na jeep na ito.

Binigyan pa talaga siya ng pahintulot na i-post ito sa facebook para na rin maipakita ang kakaibang disenyo na ito ng ating pambansang sasakyan.

Mula sa labas hanggang sa loob, bubong, kurtina, upuan at maski ang basurahan ng jeep ay may disenyo ng Hello Kitty.

Nangingibabaw din ang kulay na pink na siyang nagpadagdag ng kasiyahan [ag ito ay iyong titingnan.

Samantala, labis na namangha ang mga netizens at sana raw ay dumami pa ang jip na ganito.

Umabot na sa 38k na likes, 24,977 na shares at 8,000 na komento ang post na ito.

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The Mona Lisa? | HumanMeter on KAMI youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ina, nakuha nang magpaalam sa mga anak dahil sa inaakalang malubhang karamdaman

Ina, nakuha nang magpaalam sa mga anak dahil sa inaakalang malubhang karamdaman

Ina, nakuha nang magpaalam sa mga anak dahil sa inaakalang malubhang karamdaman
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel