Siya pa ang nagmukhang pera! Make-up artist, inalok daw magmake-up ng 30 na katao sa halagang ₱50

Siya pa ang nagmukhang pera! Make-up artist, inalok daw magmake-up ng 30 na katao sa halagang ₱50

-Viral ang post ng isang netizen kung saan inalok siyang magmake-up ng 30 na katao sa halagang ₱50

- Akala raw ng nagpapa-make up ay walang talent fee ang serbisyo ng artist kaya naman pakonsuelo ay inalok niya ito ng ₱50

- Nang tanggihan ito ng make up artist, nasabihan pa siyang mukhang pera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naloka ang make up artist na ito na ayaw na sanang i-post pa ang naging usapan niya sa isang gustong kumuha sa kanya para magpaganda ng 30 na katao.

Nalaman ng KAMI na nagandahan daw ang kliyente sana sa gawa ng make-up artist. Kaya naman inalok niya iyo na mag-make up ng 30 na katao para sa isang event.

Ayon sa post ng newsgraph, pinuri pa ng kliyente ang make up artist dahil nakita niya ang mga naayusan na nito sa facebook. Ngunit ng tanungin na ng make-up artist ang budget, tila nagulat ang kliyente at buong pag-aakala nito ay libre.

Pinaliwanag ng artist na bukod sa marami ang 30 na katao, ay lugi din siya sa mga make-up na gagamitin niya para sa mga ito.

Nakipag-negosasyon naman ang kliyente ngunit mas naloka ang artist dahil inaalok siya ng ₱50 para sa 30 na katao.

Nang tuluyan nang tanggihan ng make-up artist ang kanya sanang kliyente ay siya pa ang sinabihan nito na mukhang pera.

Di lang iyon, sinabihan din ang make-up artist na walang galang sa mas matanda sa kanya.

Totoo man o hindi, sana ay maisip naman natin na di biro rin ang trabaho ng mga make up artist. Sa ganoon karami na kanyang sesrbisyuhan, dapat lamang na makatanggap siya ng kabarayarang nararapat para sa kanyang ginawa.

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The Mona Lisa? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ina, nakuha nang magpaalam sa mga anak dahil sa inaakalang malubhang karamdaman

Ina, nakuha nang magpaalam sa mga anak dahil sa inaakalang malubhang karamdaman

Ina, nakuha nang magpaalam sa mga anak dahil sa inaakalang malubhang karamdaman
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel