President Duterte, tinawag na namang “stupid” ang Diyos ng mga Kristyano

President Duterte, tinawag na namang “stupid” ang Diyos ng mga Kristyano

- Sinabi ng Malacañang na hindi na raw babanat si Duterte laban sa Simbahan

- Sa kaniyang bagong speech, tinawag na naman niyang “stupid” ang Diyos ng mga Kristiyano dahil sa doktrina ukol sa Heaven at Hell

- Dagdag pa niya, ang mga taong bumoto raw sa kaniya ang kaniyang Diyos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang araw matapos sabihing hindi na niya titirahin ang Simbahang Katoliko at ang pananampalataya nito, muli na namang bumanat si Pangulong Rodrigo Duterte sa Diyos ng mga Kristiyano.

Nalaman ng KAMI na pinuna ng Pangulo ang doktrina ukol sa Heaven at Hell.

Ayon kay Presidente Duterte, “stupid” daw ang Diyos kung gumawa siya ng “Hell” at hindi rin daw siya naniniwalang may Langit.

"You know, my God never created hell, because if he created hell, he must be a stupid God. My God is not stupid to create man just to burn him in hell.

“Hindi ako naniniwala ng gano'n eh. I do not believe in heaven because if I do, only a fraction of you will ever enter heaven…

" Hindi ko man nakikita. Gusto ko man tumulong diyan sa Diyos na 'yan, wala man ako magagawa. Hindi ko man siya nakikita,” sabi ni Duterte, ayon sa Rappler.

Dagdag pa niya, ang diyos daw niya ay ang mga taong bumoto sa kaniya bilang Presidente.

"I survived the elections with 6 million.

"'Yan ang Diyos ko – 6 million Filipinos plus the others who voted for me above the margin, and those who really voted for me… Sila ang Diyos ko,” paliwanag niya.

Ayon sa Rappler, 16.6 million na tao ang bumoto kay Duterte at hindi 6 million.

Sa nakaraang report, sinabi ng Malacañang na hindi na raw babanat si Duterte laban sa Simbahan.

Si Rodrigo Roa Duterte ay ang panglabing anim na presidente ng Pilipinas at kauna-uanahan na galing sa Mindanao. Sa edad niyang 71, siya na ang pinaka matandang naging president ng Pilipinas.

Si Digong din ang isa sa may pinakamahabang taon ng serbisyo sa pagiging Mayor ng Davao City na may 7 termino o 22 taon sa serbisyo.

Many Filipinos believe in different kinds of superstitions, which affect the way they live their daily lives. In this episode, we ask ordinary citizens which Pinoy superstitions they know about and if they believe in those – on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Base sa SWS survey, mas nabawasan na raw ang krimen sa Pilipinas ngayon

Base sa SWS survey, mas nabawasan na raw ang krimen sa Pilipinas ngayon

Base sa SWS survey, mas nabawasan na raw ang krimen sa Pilipinas ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel