Iniintriga ngayon ang pelikulang 'Sid & Aya' dahil may kahawig daw ito na Hollywood film

Iniintriga ngayon ang pelikulang 'Sid & Aya' dahil may kahawig daw ito na Hollywood film

- Naispatan agad ng 'Fashion Pulis' site ang isang Instagram video story na tila ikinukumpara ang pagkahawig ng poster ng movie nina Anne Curtis at Dingdong Dantes

- Sa nasabing story ay itinabi ang 'Sid&Aya' movie poster sa Hollywood film na pinagbibidahan nina Julianne Moore at Matt Damon ang 'Suburbicon'

- Unang tingin, masasabi na parang magkahawig nga ang dalawang poster, at dahil dito dinumog na naman ng iba't ibang opinyon at komento ang nasabing post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kamakailan lang ay pinalabas ang pelikulang pinagbidahan nina Anne Curtis at Dingdong Dantes sa Viva Films ang 'Sid & Aya: Not a Love Story' noong May 30, 2018, at ayon pa sa pamunuan ng production company ay tumabo daw ito ng husto sa takilya.

Pero napag-alaman ng KAMI na ang nasabing sikat na poster ng pelikula ay tila kahawig sa isang movie poster ng Hollywood film na idinirek ni George Clooney at pinagbidahan nina Julianne Moore at Matt Damon ang 'Suburbicon' na pinalabas noong October 26, 2017.

Ilang buwan bago pa ipinalabas ang 'Sid & Aya' nina Anne Curtis at Dingdong Dantes, at dahil dito, buhos ang opinyon ng mga netizens tungkol dito.

Hati naman ang opinyon ng mga tao tungkol sa isyung ito, at narito ang screenshots ng nasabing mga komento sa nasabing post.

Iniintriga ngayon ang pelikulang 'Sid & Aya' dahil may kahawig ito na Hollywood film

Credit: Fashion Pulis

Ayon sa nasabing mga komento, mukha daw na mayroong hawig pero top grosser naman din daw ito.

Ang iba naman nagsasabi na ang nasabing konsepto ay nagamit na ng ilang beses, at sa katunayan daw ay isa itong napakalumang konsepto na, diumano'y noong pang 70s.

Iniintriga ngayon ang pelikulang 'Sid & Aya' dahil may kahawig ito na Hollywood film

Credit: Fashion Pulis

Ang iba naman ay nakafocus sa gross na kita ng pelikula at ikinukumpara pa ang movies ng Viva at Star Cinema.

Pero ang iba tila umagree sa naunang pahayag ng ibang netizens at sinabi na hindi naman daw ito kinopya dahil nga matagal na umano itong konsepto.

Ang tanong ng iba ngayon, "Inspiration or Imitation?"

At sa ibang bahagi, tinanong ng grupo ang mga Pinoy ng mga iilang mga tricky questions at nakaka laughtrip ang nangyari dahil tila napa trick o treat sila sa mga tanong.

Pero higit sa lahat marami din ang natuto.

Tingnan ang video sa baba sa nasabing tanungan.

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Ina, nakuha nang magpaalam sa mga anak dahil sa inaakalang malubhang karamdaman

Ina, nakuha nang magpaalam sa mga anak dahil sa inaakalang malubhang karamdaman

Ina, nakuha nang magpaalam sa mga anak dahil sa inaakalang malubhang karamdaman
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel