Heart Evangelista, expert sa paglagay ng red lipstick habang nakasakay sa umaandar na sasakyan at nakapikit ang mga mata

Heart Evangelista, expert sa paglagay ng red lipstick habang nakasakay sa umaandar na sasakyan at nakapikit ang mga mata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Nagviral ang video na inupload ng make up artist ni Heart kung saan nagaapply siya ng red lipstick sa loob ng umaandar na sasakyan

- Pinikit pa nito ang kanyang mga mata at tila flawless ang pagkaka apply ng lipstick

- Nag-ani naman ng magagandang reaction at nagviral pa ang video na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Minsan ay hindi talaga maiiwasan ang magmadali habang tayo ay naghahanda bago umalis at pumunta sa ating mga lakad. Likas na sa mga kababaihan ang matagal sa pagbibihis at pag-aayos. Maliban kasi sa pagbihis ay naglalagay pa tayo ng make-up sa ating mukha. Ngunit, hindi sa lahat ng oras ay may panahon tayong gawin ang mga ito lalo pa’t kung tayo ay nagmamadali. Kung kaya naman ay nakakagawa tayo ng paraan para mapabilis ang paggawa natin sa mga bagay-bagay.

Para makapagmultitask, ang iba ay naglalagay na lang ng make-up habang nasa loob ng sasakyan. Tulad na lang ng style icon na si Heart Evangelista. Siya din pala ay nagagawang magmake-up habang nasa loob ng kotse.

Si Heart Evangelista ay inspirasyon ng maraming kababaihan dahil sa kanyang istilo sa pananamit na both stylish and classy.

Maliban sa mga signature bags, clothes and shoes ay mahilig din ito sa make-up lalo na sa lipstick na kulay pula. Effortless naman ang paglagay ni Heart ng red lipstick habang ito ay nasa loob ng umaandar na sasakyan.

Viral ang video na inupload ng kanyang make-up artist. Makikita kasing naglalagay si Heart ng red lipstick sa loob ng umaandar na kotse. Nabilib naman ang mga netizen sa perpektong pagkakalagay nito na tila ay sakto at walang lampas. Pinikit pa niya ang kanyang mga mata habang ginagawa ito.

Nag-viral naman ang video buhat na din ng pagkamangha ng mga netizens.

Love Marie Ongpauco ang totoong pangalan ni Heart Evangelista bago pa ito mag-asawa. Siya ay pinanganak taong 1985. Isa siyang TV host, actress at visual media artist. Kasal siya kay senator Chiz Escudero. Style icon ang turing sa kanya ng marami sapagkat napakahilig nito sa mga signature bags, shoes and clothes.

Did you miss our Tricky Questions? Welcome to another episode of our show! Today our “victims” are people of Kavala. It is they who will answer the new set of really tricky questions our team has prepared. Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? – on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
May basehan nga ba? Netizens react to DILG Secretary's appeal to change ‘Ang Probinsyano's' plot

May basehan nga ba? Netizens react to DILG Secretary's appeal to change ‘Ang Probinsyano's' plot

May basehan nga ba? Netizens react to DILG Secretary's appeal to change ‘Ang Probinsyano's' plot
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel