Naudlot na assassination? Gunman, patay sa barilan matapos subukang pasukin ang tirahan ni Cebu Archbishop Jose Palma

Naudlot na assassination? Gunman, patay sa barilan matapos subukang pasukin ang tirahan ni Cebu Archbishop Jose Palma

- ‘Di umano’y hinanap ng lalaking nangangalang Jeffrey Cañeda ang arsobispo habang nasa loob ng Archbishop’s Palace

- Sinubukang takasan ni Cañeda ang pulisya matapos magpaputok ng baril ‘di umano

- Hindi pumayag ang naturang gunman na sumailalim sa security protocol ng sekyung naka-istasyon sa gate

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News

Isang armadong lalaki na nagngangalang Jeffrey Cañeda ang namatay sa loob ng Archbishop’s Palace compound nang makasagupa ang Cebu City police kahapon.

Naudlot nga bang assassination? Gunman, patay sa barilan matapos subukang pasukin ang tirahan ni Cebu Archbishop Jose Palma

Probing Cebu City Police. Photo Courtesy: CNN Philippines

Nalaman ng KAMI ang naturang gunman ay hinahanap ang arsobispo para sumailalim sa isang ‘religious counseling’, habang naglilibot sa loob ng compound ng Archbishop’s Palace. Sa isang report ng Rappler, nagsimulang magsuspetya ang nakatalagang security personnel sa gate. Sang-ayon sa security protocol, dali-daling inalertuhan ng security ang mga pulis nang kanilang makitaan si Cañeda ng baril na nakakabit sa gilid ng baywang nito. Kinumpirma ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng gunman gamit ang kanyang driver’s license.

Naudlot nga bang assassination? Gunman, patay sa barilan matapos subukang pasukin ang tirahan ni Cebu Archbishop Jose Palma

Cebu Archbishop Jose Palma. Photo courtesy: Inquirer

Inilahad ni Cebu City Police Chief Inspector Maria Teresa Macatangay sa isang panayam ng DZBB na mayroon silang witness. “According sa witness natin, hinahanap si Bishop. It was unusual so tumawag sila ng pulis. At nung tumawag sila ng pulis, nagkaroon ng engkwentro.”

Sinubukang awatin ng security guard si Cañeda sa tuluyan nitong pagpasok sa official residence ng arsobispo. Sa kabila nito, tuloy-tuloy pa rin sa kanyang paglalakad ang gunman. Ito na ang naging hudyat nila sa mga pulis para pigilan ang maaaring gawin pa ni Jeffrey Cañeda.

Ayon sa mga otoridad, si Cañeda ang nagsimulang magpaputok ng baril sa mga pulis at upang subukang umalis sa lugar ng engkwentro gamit ang isang motorsiklo. Ayon sa CNN, agad na tinawagan ang paramedics para subukang i-revive ang gunman ngunit agad na idineklarang dead on the spot.

Kasama rin sa mga nakuha ang isang military knife, sang-ayon kay Cebu City Police Chief S/Supt. Royina Garma.

Samantala, agad na pinabulaanan ni Cebu City Mayor Tomas Osmeña na ito ay isang murder attempt sa arsobispo. Ani Osmeña, mas pinipili raw ng ni Palma na panatilihin ang kanyang low profile sa kabila ng mataas na ranggo nito sa simbahang Katolika. Ito’y kanyang binanggit sa isang phone interview ng Rappler.

Naudlot nga bang assassination? Gunman, patay sa barilan matapos subukang pasukin ang tirahan ni Cebu Archbishop Jose Palma

Middle (in blue): Cebu City Mayor Tomas "Tommy" Osmeña. Photo lifted from: SunStar Cebu

Nagkataon din naman na wala ang arsobispo kahapon sa kanyang official residence dahil sa kanyang meeting na dinaluhan sa CBCP sa Maynila noong nakaraang Lunes. Inaasahan pang maglalabas ng statement ang mga otoridad ukol sa naging tunay na pakay at motibo ng nasabing gunman.

Isa si Cebu Archbishop Jose Palma sa mga mahigpit na tumutuligsa sa kabi-kabilang ‘di umano’y extrajudicial killings. Kabilang rin ang arsobispo sa mga maiimpluwensyang kritiko ng administrasyong Duterte. Kilala ang nasabing compound bilang isa sa top wedding spots sa bansa.

Sa naunang report, nangako si Presidente Rodrigo Duterte na titigil na siya sa pagbatikos sa Simbahan.

Naudlot nga bang assassination? Gunman, patay sa barilan matapos subukang pasukin ang tirahan ni Cebu Archbishop Jose Palma

PRRD in his tirade against the Catholic Church. Photo lifted from: Inquirer

Maiba naman tayo, tinanong ng grupo ang mga Pinoy sa daan ng mga iilang mga tricky questions at nakaka laughtrip ang mga sagot dahil tila napa-trick o treat sila sa mga tanong! Syempre, ang pinakamahalaga, ay maraming natuto.

Panoorin ang video sa baba sa nasabing tanungan.

Source: Kami.com.ph

Related news
President Duterte expresses his desire to solve traffic in EDSA

President Duterte expresses his desire to solve traffic in EDSA

President Duterte expresses his desire to solve traffic in EDSA
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel