Todo ang reaksyon ng mga celebrities sa viral shout-out tweet ni Jameson Blake

Todo ang reaksyon ng mga celebrities sa viral shout-out tweet ni Jameson Blake

- Pagkatapos magreact ang mga netizens tungkol sa viral shout-out ni Jameson Blake ay tila sumali din sa pagbatikos ang iilang celebrities sa showbiz at may iba naman na walang nakikitang masama sa ginawa ng aktor

- Usap-usapan nga ngayon ang hashtag member dahil sa viral tweet niya, at ngayon, hindi lang mga fans ang nagrereact kung hindi pati na ang mga celebrities

- Dahil na rin dito, sumali ang iilan sa mga entertainment personalities at mxied opinions naman sila tungkol sa issue

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napag-alaman namin sa 'Daily Pedia' through MSN na hindi pa pala tapos ang batikos at iba't ibang reaksyon sa viral tweet ni hashtag member Jameson Blake.

At ngayon nga ay nalamang ng KAMI na sumali na din pala ang ilan sa mga entertainment personalities.

Nasa hot seat nga ang produkto ng 'Pinoy Big Brother: 737' dahil sa kanyang viral tweet na humingi sa kanyang mga fans at followers na willing gumawa ng graphic design niya in exchange for a "shout-out" galing sa kanya.

Todo ang reaksyon ng mga celebrities sa viral shout-out tweet ni Jameson Blake

Credit: LionhearTV.net

Tila hindi nagustuhan ng iba ang pagkasabi ni Jameson sa tweet na ito dahil nga daw parang hindi yata willing na magbayad ang hashtag member sa graphic artist na gagawa nito.

Dahil dito, isa ang Direktor na si Gino Santos na nagpahayag sa pagkadismaya at inis sa nasabing tweet.

Una niyang rinitweet ang viral tweet ni Jameson na tila dinelete na ng aktor at nagcaption pa na "shame on you" na tinag ang huli, sa nakikita sa ibabaw na larawan.

"When Celebrities fish for things from the fans.. major cringe."

Dinagdagan pa niya ito ng isa pang tweet, kagaya sa taas sa taas.

Paliwanag pa niya na mahal daw ng tuitin fee at dapat daw ay alam ng mga graphic designers ang kanilang halaga.

At sa huli ay pinaliwanag niya ng husto ang kanyang saloobin tungkol sa viral tweet ni Jameson Blake.

"These Graphic Designers / Artists did not graduate from their respective schools and spend countless hours honing their craft just to get a “shout out”. @Hashtag_Jameson I hope that poor girl got something besides just a mention. Set an example. Be more than a celebrity."

Bukod pa sa direktor, ang disk jockey at host din na si Tin Gamboa na mas kilala bilang DJ Suzy ay nagreact din na hindi nagustuhan ang tweet ni Jameson.

Unang saad ng DJ:

"Kahit ilang beses kong ipromise sa sarili ko na puro positivity lang ako sa social media THE WORLD IS MAKING IT IMPOSSIBLE"

Pagkatapos ay tila inilaborate pa niya ang gusto niyang ipahiwatig sa nasabing viral tweet, at ang sabi niya:

"Kailangan ko magpa opera. Basic slicing lang naman, nothing extravagant. Line lang talaga. Di kailangan may art. Best surgery option gets a shoutout from me!"

Na sinagot din ng isa sa mga host ng "PBB" at naging parte na din na hurado sa "It's Showtime" na si Bianca Gonzales-Intal.

Na sinagot din ng DJ sa pagpaliwanag kung saan talaga siya galing sa kanyang saloobin:

At sa huli, saad ni Bianca Gonzalez-Intal:

"I know. (sad face emoji) Bright side of this issue though kasi it makes people aware that professional services/products must be paid for, and people should stop putting down the premium for the rest of the industr(ies) by giving working for free."

Sumali din si IC Mendoza sa pagbigay ng reaksyon na hindi din nagustuhan ang viral tweet ni Jameson.

Jason Paul Laxamana, ang direktor ng "100 tula para kay Stella, on the other hand, nagbigay ng isang tila logical na rason tungkol sa ginawa ni Jameson Blake.

Saad niya na lahat naman daw ay nag-umpisa sa "free trial" kagaya niya, at ang bayad naman daw nito ay ang pagpropromote lalo na sa mga aspiring na baguhan at ito ay nakatulong naman sa kanya.

Nirepost ni Suzette Severo Doctolero ang post ni Jason Paul Laxamana tungkol dito, at ang sabi niya:

"And finally, may nagsalita na ng iba sa opinyon ng marami.
May ugali tayong kuyog ano? Yung kapag may naiiba, o di gusto ng marami ang opinyon o sinabi, attack mode agad. Hihiyain ang tao as if ikakagaling ng lahat? (Bilang ako ay suki ng mga kuyog, sinasabi ko na sa inyo, nakakatawa kayo. You cant break our spirit. Charot! Hahaha(emoji)).
Di ba pwedeng mag isip muna? Na wala naman ding masama sa kanyang ginawa na humingi ng libreng serbisyo? Kapalit ng promo? Pupurihin ko pa nga siya. Kasi mapamaraan. Maabilidad. E kung ayaw mong ibigay ang service mo ng libre, e di wag mo siyang pansinin kasi may iba naman na willing magbigay. Kanya kanya lang yang choices sa buhay o. Buti na lang at mukhang matatag yung batang dancer/artista.
Tsk, kapwa pinoy. Wag ugaling kuyog. Di nyo ikakasikat at ikakayaman. Di kayo mga bubuyog para maging kuyog lol."

Bago pa man naging hashtag member si Jameson Blake ay una siyang nakilala sa bahay ni Kuya noong 2015.

At bumida sa mga pelikula kagaya ng "Haunted Forest," "Mama's Girl," and "2 Cool 2 Be 4gotten."

Ang huli nga ay ang movie na kasama si Janella Salvador ang "So Connected."

Makikita ang aktor sa "It's Showtime" bilang miyembro ng Hashtag guys sa nasabing show.

At sa ibang bahagi, tinanong ng grupo ang mga Pinoy ng mga iilang mga tricky questions at nakaka laughtrip ang nangyari dahil tila napa trick o treat sila sa mga tanong.

Pero higit sa lahat marami din ang natuto.

Tingnan ang video sa baba sa nasabing tanungan.

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Former PBB housemate Marco Gallo now becomes a certified model in Italy

Former PBB housemate Marco Gallo now becomes a certified model in Italy

Former PBB housemate Marco Gallo now becomes a certified model in Italy
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel