Ina ng batang iniwan sa SUV sa parking lot, emosyonal na nakipagusap kay Raffy Tulfo

Ina ng batang iniwan sa SUV sa parking lot, emosyonal na nakipagusap kay Raffy Tulfo

- Mainit pa rin ngayon ang balita ukol sa batang iniwan sa SUV sa parking lot

- Nagsalita na ukol dito ang ina ng bata na si Jenny Caluna

- Itinanggi niya ang mga akusasyon na ilang oras na nilang iniwan ang anak at nagwalwal silang mag-asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Usap-usapan ngayon sa social media ang pag-iwan ng mga magulang sa kanilang isang-taong-gulang na anak na lalake sa loob ng SUV sa may parking lot sa Ortigas, Pasig.

Nalaman ng KAMI na nakipagusap na ang ina ng bata na si Jenny Caluna sa programa ni Raffy Tulfo.

Isa sa mga nilinaw ng ina sa kaniyang emosyonal na pahayag ay hindi raw ilang oras na iniwan ang bata sa sasakyan kundi mga sampung minuto lamang daw.

Sinagot ito ni Tulfo at sinabing kahit isang minute ay hindi dapat iwan ang bata na mag-isa sa loob ng isang sasakyan.

Ayon pa kay Caluna, wala raw katotohanan na iniwan nila ang bata ng ama nito para uminom ng alak.

Sinabi niyang breastfeeding mother siya kaya hindi siya maaaring uminom.

Umalis lang daw sila ng ama sandali dahil may minamanage silang restaurant sa lugar na iyon at kailangan din niyang mag CR at gusto rin bumili ng pagkain ng anim na taong gulang nilang anak. Iniwan nila ang isang taong gulang na bata sa SUV dahil natutulog ito at ayaw na nilang gisingin pa.

Willing din ang ina na makipagusap sa DSWD ukol sa kontrobersya.

Ayon pa sa kaniya, ang lasing daw talaga at ang ayaw makipagusap ng maayos ay ang lalakeng nagupload ng video.

Sa nakaraang report, itinanggi na rin ng ama ng bata na nagwalwal silang mag-asawa kaya nila iniwan ang bata.

Many Filipinos believe in different kinds of superstitions, which affect the way they live their daily lives. In this episode, we ask ordinary citizens which Pinoy superstitions they know about and if they believe in those – on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
MMDA enforcer at ex-PBA player Danny Ildefonso, muntik daw magsuntukan

MMDA enforcer at ex-PBA player Danny Ildefonso, muntik daw magsuntukan

MMDA enforcer at ex-PBA player Danny Ildefonso, muntik daw magsuntukan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel