Binigyang linaw na! Zeus Collins nagbigay reaksyon sa paglink sa kanya kay Vice Ganda

Binigyang linaw na! Zeus Collins nagbigay reaksyon sa paglink sa kanya kay Vice Ganda

- Ayon kay Zeus ay madami daw ang nakaka misinterpret sa kanilang dalawa ni Vice Ganda

- Sila daw ay talagang makaibigan lamang

- Ikinwento din niya ang mga indecent proposals na inalok sa kanya kasama na ang maging macho dancer sa isang gay bar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang interview kay Zeus Collins sa kung ano ang totoong namamagitan sa kanilang dalawa ni Vice Ganda ay nasabi niyang madalas daw itong mamis-interpret ng mga tao. Marahil na din sa kung paano siya kinakausap ni Vice Ganda sa “It’s Showtime.” Marami ang naniniwala ngunit wala talagang namamagitan sa kanila sapagkat sila ay magkaibigan lamang.

“Siguro dahil gay siya kaya ganun. Lalo na pag nagsasalita siya sa It’s Showtime kaya parang yung tao naniniwala.

“Kasi iba yung Vice, na pag may sinabi talagang malaki yung impact. Akala nila totoo. May mga nagtu-tweet pa nga sa akin kapag nagbibiro siya sa Showtime na siniseryoso. ‘Uy, totoo ba yon?’ Pero hindi ganun si Vice, eh,”

Binigyang linaw na! Zeus Collins nagbigay reaksyon sa paglink sa kanya kay Vice Ganda

Photo from LionhearTV

Natanong din si Zeus kung ano ang kanyang gagawin at magiging reaksyon kung sakali mang nagbigay ng totoong motibo si Vice.

“Siguro, sasabihin ko sa kanya na hindi, kasi kaibigan, eh. Iba yung pagtingin ko sa kanya. Puwede ko naman siyang pagbigyan sa ibang bagay pero hindi naman siguro sa ganun.

“Pero kung nagpaparamdam lang ng love, okey lang yon. Irerespeto ko siya, kasi siyempre, tao lang siya na nagmamahal din talaga,”

“Basta kasi hindi siya ganun pag magkakasama kami. Kahit ako ipinagmamalaki ko yon. Na iba yung pagkakaibigan namin, lahat kami (ng Hashtags), hindi lang ako.”

Nakwento din niya na madami din daw siyang nakukuhang mga indecent proposals noon hanggang sa ngayon.

“Oo. Noon madami talaga. Kahit naman ngayon, meron pa rin. Pero hindi, eh. May kotse, P20K, 10K, yung mga ganun.

“Kung iisipin mo, wala akong pera tapos kikitain ko sa isang araw yung ganun, maiisip mo rin yon, di ba, sayang. Pero hindi talaga, eh.

“Ang iniisip ko kasi kaya ko pa. Kumbaga, may talent naman ako. Marunong akong sumayaw, tapos nung mga panahong yon marami rin akong grupong napasukan. Sila mismo ang kumukuha sa akin na rumaket ako sa kanila.”

Maliban dito ang offer na maging isang macho dancer. Natatawa niyang ibinahagi.

“Ang dami ngang nag-offer sa akin noon na mag-macho dancer kasi di ba dancer nga ako. Hindi ko sinubukan, kasi alam ko pa sa sarili ko na iba talaga yung passion ko sa pagsasayaw, so ba’t ako magma-macho dancer?

“Hindi talaga sumagi sa isip ko yon kahit walang-wala na ako. Hangga’t kaya ko puwede akong mangutang, babayaran ko na lang, ganun na lang,” pagre-recall pa ni Zeus.

Pagdating naman sa mga scandal ay confident si Zeus na wala siya ng mga ganito. Puro selfie lang daw ang hilig niya.

Si Zeus naman ay may bagong pelikula na Wonder Bra na kung saan siya ang leading man ng bida na si Cacai Bautista.

Zues Collins is a reality star who started his showbiz career as a housemate in Pinoy Big Brother. He started as a model and as a dancer and is now part of It's Showtime. Growing up, he had to leave school in order to help his parents who were struggling to make ends meet.

Did you miss our Tricky Questions? Welcome to another episode of our show! Today our “victims” are people of Kavala. It is they who will answer the new set of really tricky questions our team has prepared. Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? – on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Humarurot ang San Miguel Beermen sa puntos na 104-99 laban sa Alaska Aces

Humarurot ang San Miguel Beermen sa puntos na 104-99 laban sa Alaska Aces

Humarurot ang San Miguel Beermen sa puntos na 104-99 laban sa Alaska Aces
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel