Bati na uli sila? Kris Aquino, hiling ay tahimik at masayang buhay para sa dating asawa

Bati na uli sila? Kris Aquino, hiling ay tahimik at masayang buhay para sa dating asawa

- Binati ni Kris Aquino ang dating asawang si James Yap

- Binalikan nito ang naging civil wedding nila 13 taon ang nakalipas.

- Nagpasalamat din si Kris dahil nagkaroon siya ng anak na si Bimby na itinuturing niyang accomplishment niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

13 taon matapos ang kanilang civil wedding, nagbigay ng mensahe si Kris Aquino kay James Yap. Ayon sa kanya, pinaghiwalay man sila ng tadhana, nagpapasalamat siya dahil nagkaroon siya ng anak dito na maituturing daw niyang accomplishment.

“BUT fate took us in different directions.

“Yet together we produced 1 of my 2 greatest achievements aka BIMB..."

Sa huling bahagi ay nagpaabot ng mensahe si Kris para sa dating asawa at sa bagong pamilya nito.

"I sincerely wish you & your growing family peace & lasting happiness."

Hinihilinh din daw niyang magkaroon ng tahimik at masayang buhay si James kasama ang kanyang bagong pamilya.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang birthday greeting ni James aa anak na si Bimby. Ito ay matapos maglabas ng sama ng loob si Kris sa dating asawa na ayon sa kanya.ay nagpapanggap lamang na mabuting ama.

Si James naman at ang kanyang partner na si Michela ay biniyayaan ng ikalawang anak nila kamakailan lang.

Hindi man binanggit ni Kris ang pangalan ni James, ginawa daw niya ito para sa kanyang anak base sa kanyang hashtag.

Kalakip ng mensahe niyang ito ang sumusunod na quote cards:

"She is at a place in her life where peace is her priority and negativity cannot exist."

"PEACE in our hearts, in our home, in our world."

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino here

Philippine Yoga Tutorial: Add Zen To Your Workout | on BeKami

Yoga for beginners: your intro to yoga is already on BeKami! Were you aware that Crystalle is not only a well-known fitness trainer in the Philippines but also a big fan of yoga? So, if you have already wanted to try yoga, this tutorial is a perfect opportunity to make the first move towards this activity right from your home!

Watching it, you can learn some basic poses and tips.

Source: Kami.com.ph

Related news
Wendy Valdez asks prayer support for her one-year-old son Seth who is scheduled to undergo hip surgery

Wendy Valdez asks prayer support for her one-year-old son Seth who is scheduled to undergo hip surgery

Wendy Valdez asks prayer support for her one-year-old son Seth who is scheduled to undergo hip surgery
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel