Dahil wala siyang sariling tsinelas! 11 na taong gulang na Mangyan, gumagawa ng obra mula sa sirang tsinelas
- Isang natizen ang nagpost ng mga larawan ng mga gawang laruan ni Jupel Batobato mula sa sira-sirang mga tsinelas
- Marami ang naantig sa kwento ni Jupel dahil sa kaya naging inspirasyon niya ang paggawa ng laruan mula sa tsinelas ay dahil siya mismo ay walang tsinelas at walang laruan
- Madalas ding sasakyan ang tema ng kayang mga obra dahil sa di pa raw siya nakararanas na makasakay sa mga ito dahil kadalasan siya ay naglalakad lamang
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw eksena ngayon ang isang talentadong batang mangyan na si Jupel Bato-bato dahil sa mga gawa niyang laruan na yari sa mga sirang tsinelas.
Nalaman ng KAMI na nakakadurog ng puso ang kwento sa likod ng mga laruang sasakyan na gawa sa tsinelas.
Nilalakad ni Jupel ang kanilang paaralan mula sa kanilang bahay ng haslos 20 minuto. Ang nakakalungkot pa, wala siyang tsinelas na magamit papasok kaya naman pumapasok siyang naka-paa.
Dala ng kahirapan, di talaga sila makabili ng sapin sa paa. may mapulot man siya sa daan, di rin ito nagtatagal dahil sa layo ng nilalakad niya.
Di pa rin nakakasakay ng anumang sasakyan si Jupel kaya naman ito ang napili niyang tema sa kayang mga ginagawang laruan.
Ayon sa 11 taong gulang na mangyan, nais niyang makasakay kahit sa tricycle lamang kaya naisipan niyang gumang laruang jeep at tricycle.
Bagaman at di ganoon ka pulido ang kanyang gawa, mapapansing may kakaibang talento si Jupel sa sining. Bukod kasi sa sirang tsinelas, mga stik lamang ang kanyang materyales.
Mas lalo ka pang hahanga sa kanya dahil nakatira sila sa bahay na walang kuryente. Kay anaman marahil may panahong gumagawa siya ng kanyang obra sa dilim.
Ninanais ni Jupel namakagawa ng marami pang laruan nang sa gayon ito ay kanyang mai-benta at pagkakitaan.
Samantala, labis namang namangha ang mga netizens at hangad din nilang matulungan ang bata.
Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The Mona Lisa? | HumanMeter on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh