Gaano mo sila kakilala? Mga paraan kung paano matutulungan ang anak na maaring dumadaan sa 'depression'

Gaano mo sila kakilala? Mga paraan kung paano matutulungan ang anak na maaring dumadaan sa 'depression'

- Tila ba parang na-uso na lamang bigla ang salitang 'depression' na sa una ay di sineseryoso hanggang sa di namamalayan ang parami ng parami na bilang ng mga namamatay dito

- May ilang mga paraan kung paano maisalba ang anak na maaring dumadaan sa matinding depression

- Mahalaga ang palagiang pakikipag-usap sa mga anak, alamin ang mga pangyayari sa kanilang buhay dahil traydor ang depressio, maaring nakangiti sila sa panlabas ngunit matagal na palang naghihingalo ang kanilang kalooban

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa sa mga bagong 'cancer' ng lipunan natin ngayon ang depression. Kamakailan lamang, may ilang mga artista na sa kasamaang palad ay pinili na kitilin ang sariling buhay dahil lang sa matinding depresyon.

Ngunit, di lamang ito nangyayari sa mga sikat na tao. Nalaman ng KAMI na karamihan din sa mga nakararamdam ng depression ay ang mga teenagers ngayon na til napakagagaling nang magpanggap.

Aakalain natin na ang mga kabataan na ito ay masaya, walang problema, ngunit ito pala ang mga dapat nating pag-ingatan dahil kadalasan sila ang may mga problema.

Madalas, di talaga ito masasabi o mapapansin ng mga magulang ng mga batang dumadaan sa ganitong sitwasyon. Minsan daw ang totoong nakararamdam ng depression ay sila pa yung 'masasaya'. Tila maskara lamang pala iyong ng yunay na nagyayari sa kanya.

Gaya na lamang ng aktres na si Sharmaine Buencamino na namatayan ng anak na si Julia na dumaan sa depresyon at mismong siya ang bumawi ng kanyang buhay tatlong taon na ang nakalilipas.

Huli na nang napagtanto ni Sharmaine na nagpakita pala ng ilang senyales si Julia ng pagka-depress at suicidal tendencies.

Ilang linggo bago tuluyang kitilin ni Julia ang kanyang buhay, napansin na ng kanyang mga magulang ang ilang 'cuts' o hiwa sa binti niya.

Ayon kay Julia, dahil lamang daw ito sa mga aksidente na di naman pinaniwalaan ng kanyang mga magulang.

Pinakita ng pamilya ni Julia ang kanyang mga gamit partikular na ang kanyang journal sa isang psychiatrist at dito nila natuklasan na taon na ang binibilang ng depression ni Julia na nagsimula pa raw noong siya ay 12 taong gulang pa lamang. Nasa borderline daw ito ng personality disorder.

Hindi agad ito nakita nina Sharmaine sapagkat buong pag-aakala nila ay ok na ok ang kanilang anak dahil sa binibigay naman nila ang halos lahat na maaring makapagpasaya sa kanya.

Masayahing bata din daw na bata si Julia kaya di sila nabigyan ng ideya sa pinagdadaanan nito.

Iyon pala ay sadyang traydor ang depression at mapagbalat-kayo kaya naman mas nakakatakot.

Kaya sa mga magulang, mahalaga na kausapin ang mga anak, maglaan ng oras sa kanila, gawin ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanila na kasama kayong magulang niya, dahil hindi natin alam mas matindi na pala ang pinagdadanan ng kanilang kalooban kaysa sa iyo. Bago pa man mahuli ang lahat, tulungan natin silang paglabanan ang sarili nilang halimaw sa pamamagitan ng pagpaparamdam ng tunay na pagmamahal sa iyong presensya.

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The Mona Lisa? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: