Luzon at Visayas pinag-iingat sa paglakas ng hanging habagat dala ng bagyong Gardo

Luzon at Visayas pinag-iingat sa paglakas ng hanging habagat dala ng bagyong Gardo

- Kani-kanina lang ay nagpalabas na naman ng update ang 'PAGASA' tungkol sa bagyong Gardo o may international name na Maria

- Sa balita na nakuha namin sa iba't-ibang website katulad ng 'Rappler,' at sa Facebook page mismo ng pamunuan ng 'Dost_pagasa' ay nagpapatuloy daw ang bagyong Gardo sa Taiwan

- Ngunit dahil na din sa paglakas ng ulan na dala nito dulot ng southwest monsoon o hanging habagat sa Pilipinas ay pinag-iingat pa rin ang mga tao sa Luzon at Visayas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kaninang alas-onse ng umaga, ngayong araw na ito, July 10, 2018, ay ibinihagi ng DOST - PAGASA Weather Specialist na si Aldczar D. Aurelio sa press briefing para sa bagyong Gardo ang pinakahuling balita kung nasaan na ngayon ang naturang bagyo.

Ayon sa impormasyon na nalamang ng KAMI sa naturang press briefing ni Aurelio, nanatili pa rin sa labas ng bansa ang bagyong Gardo.

Sa ngayon daw ay nanatili pa rin ang bagyo sa bandang North o Hilagang bahagi ng karagatan at malayo pa rin sa Pilipinas.

Hindi man maglalandfall ang bagyo at walang tropical cyclone warning signals na kailangang itaas sa bansa pero pinag-iingat pa rin ang mga residente.

Dahil sa habagat, may kumpol na kaulapan, mga makakapal na ulap sa kanlurang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon, at gayon din sa kanlurang bahagi ng Visayas.

Dagdag pa ni Aurelio, ang layo ng sentro ng bagyo o mata ng bagyo, as of 10 a.m. o kaninang alas diyes ng umaga, ay nasa 635 kilometers east northeast ng Basco, Batanes.

Humina daw ang bagyo na nasa 170 kilometers per hour ang lakas ng hangin malapit sa gitna ng bagyo at bugso ng hangin ay umaabot sa 210 kilometers per hour.

Pero mabilis pa rin ang pagkilos nito at inaasahan ito sa 30 kilometers per hour sa direksyon na West Northwest patungong Taiwan.

Pagpapatuloy na paliwanag ni Weather Specialist na si Aldczar D. Aurelio na bukas daw ng umaga nasa labas ng PAR or Philippine Area of Responsibility ang sentro ng bagyo, ayon pa sa tracker na ginawa nila para sa bagyong Gardo, mga alas-otso ng umaga bukas, July 11, 2018.

Maapektuhan ang Northern part ng Taiwan, at sa Huwebes, July 12, 2018, ay nasa Mainland, China ang bagyong Gardo o Maria.

Ang inaasahan daw natin dahil sa Southwest monsoon o habagat na nakakaapekto sa Luzon at Visayas na pinapalakas ng bagyong Gardo ay may inaasahan tayong monsoon rain.

Ibig sabihin, may light to moderate rains at may kasama, paminsan-minsang malalakas na pag-ulan at ito ay inaasahan sa Zambales, Bataan, Cavite, Mindoro, Northern Palawan, at Romblon.

May paminsan-minsang pag-ulan sa Metro Manila, Western Visayas, at sa natitirang bahagi ng Central at Southern Luzon hanggang bukas, July 11, 2018.

Kaya naman pinapayuhan ang lahat ng mga residente sa mga lugar na ito na mag-ingat sa posibleng pagbaha at landslides o pagguho ng lupa sa mababang lugar.

Tingnan ang kabuuang update galing mismo sa weather specialist ng pagasa.

At sa ibang bahagi, tinanong ng grupo ang mga Pinoy ng mga iilang mga tricky questions at nakaka laughtrip ang nangyari dahil tila napa trick o treat sila sa mga tanong.

Pero higit sa lahat marami din ang natuto.

Tingnan ang video sa baba sa nasabing tanungan.

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano

PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano

PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel