Fact or Fake? Nagkalat ang mga fake news tungkol sa Simbahang Katoliko matapos ang Duterte rants vs. God

Fact or Fake? Nagkalat ang mga fake news tungkol sa Simbahang Katoliko matapos ang Duterte rants vs. God

- Matapos magsalita si Duterte laban sa Diyos ay mas dumami ang naglabasang fake news

- Wala daw pinipili ang mga news na ito kahit pa si Pope Francis

- Naglabas naman ang Radyo Veritas ng 5 tips upang maiwasan ang mga fake at misleading news

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi lahat ng nababasa natin online ay may legit source na pinagkukunan. Napakarami na ngayon ang mga fake news na nagkalat. Dapat lang na maalam tayo kung ano dito ang totoo at hindi. Ayon sa Rappler, halos 30 reports na fake news ang nakuha nila patungkol sa Simbahang Katoliko. Nakakalungkot man, ngunit wala itong pinipili kahit pa si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle o mismong si Pope Francis.

Matapos magrant si President Duterte laban sa Diyos ay dumami lalo ang mga trolls at fake news na nagkalat. Para sa mga pro-Duterte, madaming fake news ang kumalat laban sa Simbahang Katoliko.

Wala silang pinipili kahit si Pope Francis na kung saan mayroon siyang nagkalat na litrato na nakahalik sa dibdib ng isang modelong babae.

Fact or Fake? Nagkalat ang mga fake news tungkol sa Simbahang Katoliko matapos ang Duterte rants vs. God
Photo from famvin

Ang pagkalat ng mga nasabing fake news ay hindi lamang nagsimula noong magsalita si President Duterte laban sa Diyos ngunit ito ay nagsimula pa noong panahong namatay si Father Nilo noong June 10.

Dahil dito ay nagsimula ang Rappler na magkaroon ng fact-check articles. Talaga naman madami na silang mga nakitang hoax or misleading news. Sila ay may partnership sa Facebook upang sugpuin ang mga fake news. Isa-isa nilang binabasa ang mga ulat at nilalagyan ng tag na fake news. Ang mga ito naman ay nilalagay sa pinaka ilalim ng newsfeed upang hindi matuunan ng pansin. Ito naman ang lista ng mga fake news na kanilang nakalap.

FACT-CHECK: Fake details on priest's wallet with '2 condoms' - June 24

FACT-CHECK: Misleading video on priest in Camarines Sur murder case - June 26

HOAX: 'Pope Francis called Duterte a blessing, a good leader' - June 27

HOAX: Pope Francis 'defends' Duterte's 'God is stupid' remark - June 30

HOAX: Tagle's 'verbal exchange' with Duterte, 'replace the State' quote - June 30

HOAX: Pope Francis 'kisses' model on the chest - July 1

Ayon sa general manager ng TV Maria at vice president ng Radyo Veritas na si Father Roy Bellen, “It's a way of confusing people." Ang Simbahang Katoliko daw ay hindi para makipag pulitiko kung hindi ay para sa moralidad ng mga tao.

Nagbigay naman ang Radyo Veritas ng 5 tips upang maiwasan ang fake news.

Ang administrasyon ni Duterte ay inaakusahan bilang number 1 source of fake news. Tinawag pa ng veteran journalist na si Ellen Tordesillas si Duterte na "number one source of fake news."

Ang simbahang Katoliko ang numero unang kritiko ng administrasyon labas sa madugong anti-drug campaign.

Did you miss our Tricky Questions? Welcome to another episode of our show! Today our “victims” are people of Kavala. It is they who will answer the new set of really tricky questions our team has prepared. Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? – on KAMI HumanMeter channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Baj Tacuycuy avatar

Baj Tacuycuy