Dating OFW, nakaipon ng pang-negosyo mula nang tumigil sa pagyoyosi at pag-inom ng alak

Dating OFW, nakaipon ng pang-negosyo mula nang tumigil sa pagyoyosi at pag-inom ng alak

- Binahagi ng isang dating OFW ang hirap na kanyang ginawa para masimulan ang negosyo nilang mag-asawa

- Boluntaryo niyang tinigil ang pag-iinom ng alak para makaipon na lamang at itodo ang gastusin sa negosyo

- Walang pinagsisihan ang dating OFW na ito dahil tinigil nakatulong din naman ito sa kanyang kalusugan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matinding sakripisyo ang ginawa ng isang dating OFW na aminadong 30 taon nang naninigarilyo.

Nalaman ng KAMI na buong puso niyang tinigil ang bisyo na paninigarilyo, para sa sariling kalusugan at para na rin sa negosyo ng kanilang pamilya.

Di lang paninigarilyo ang hininto niya kundi maging ang pag-inom ng alak.

Sabi nga ng OFW na ito malaki ang naitulong ng strong personal will sa kanya.

Ngayon, talaga namang kahanga-hanga ang narating ng kanyang paghihirap dahil di lang sarili niya ang natulungan niya maging ang kanyang pamilya at iba pang pamilya na matutulungan ng negosyo nilang tubig ng buhay.

Narito ang kabuuan ng kanyang post na binahagi niya sa Peso Sense sa facebook.

January2018 nag for good na kami ni Misis...sa maikling panahon ng pag iipon at sa nakuhang kabayaran mula sa company... Nakapagpatayo kami ng Water Refilling Station sa aming probinsiya..

Masarap makita ang pinuntahan ng pinagpaguran sa labas ng bansa..

#BuhayExOfw

Natatandaan nyo po ba ako? Yung tumigil sa pag inom ng alak para makaipon? Yes ako po yun, yung may nakalaan na 500 dirhams sa alak sa isang buwan, na lakas loob kong pinanagumpayan..

At nangako ako na pati ang paninigarilyo ay ititigil ko dahil sa napinpintong TAX na ipapataw sa alak at sigarilyo..

Yayyy isang buwan na po ako TUMIGIL sa paninigarilyo, ang nakalaan kong budget para dito ay naidagdag ko sa iniipon kong 500dhs per month..

Madali lang po pala ang pagtigil; 30 years po akong naninigarilyo, at dahil na rin po sa pagmamahal ko sa aking pamilya at aking sarili na aminin man o hindi ay tumatanda na rin, taos puso kong tinigil.. Maraming salamat sa aking asawa na napaka supportive sa lahat ng aking pinagdadaanan sa mga araw ng aking planong pagtigil...

Pinakamahalaga po sa lahat ang ating STRONG PERSONAL Will, kung gugustuhin mo talaga walang makakapigil..

#NoMoreALAK

#noMoreYosi

Thank you again PESO SENSE and PSSG, dahil sa inyo natuto kaming mag ipon, .. at nagbabalak na rin po mag for good next year...

Aabangan naman namin ang mga post na makakatulong para sa aming binabalak na negosyo..

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The Mona Lisa? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Base sa SWS survey, mas nabawasan na raw ang krimen sa Pilipinas ngayon

Base sa SWS survey, mas nabawasan na raw ang krimen sa Pilipinas ngayon

Base sa SWS survey, mas nabawasan na raw ang krimen sa Pilipinas ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel