Sino si kuya Max sa buhay ni Neri Miranda?

Sino si kuya Max sa buhay ni Neri Miranda?

- Isang full-time housewife at hands-on mom si Neri Miranda kay Chito at Miggy

- Kamailan lang ay nagpost si Neri ng isang kuha sa loob ng palengke at ipinakilala si kuya Max na pinagbibilhan niya ng bangus

- Inspiring ang kwento ng buhay ni kuya Max kaya niya ito nagawang i-post sa kanyang Instagram account

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Neri Miranda ay isang actress at businesswoman na asawa ng lead vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda. Marami ang bilib kay Neri sa kanyang pagiging hands-on mom sa kanilang anak na si Miggy.

Si Neri ay ang tipong babae na hindi mahihiyang sabihin kung ano man ang kanyang saloobin. Kalimitan naman sa mga ito ay 'words of wisdom' kung paano maging isang mabuting ina, asawa at negosyante. Masaya ang kanyang mga posts patungkol sa araw-araw na kanyang gawain bilang isang full-time housewife.

Kamailan lamang ay nagpost si Neri ng isang kuha sa loob ng palengke. Ito daw ay nasa Alfonso, Cavite. Ipinakilala niya sa kanyang mga followers si Kuya Max na pinagbibilhan niya ng bangus. Makwento daw ito, tulad niya.

Gusto niyang tularan natin si kuya Max sapagkat sa kanyang trabaho na pagbebenta ng isda ay nakapagtapos na daw ito ng anak sa kolehiyo at ngayon naman ay may panibago nanamang papasok ulit sa college. Si Neri ay na-iinspire at natutuwa kay kuya Max.

Ano man ang iyong trabaho sa buhay, tulad na lang ni kuya Max na isang tindero sa palengke, taga-alis ng hasang at tagakaliskis ng mga isda ay nagawang makapag-aral ang mga anak. Kung alam mo ang iyong priorities sa buhay, masipag at mapagmahal sa pamilya ay walang imposible.

Ipinagmalaki din ni Neri ang palengke ng Luksuhin Alfonso kung saan siya namamalengke tuwing Monday at Thursday. Masarap din daw ang mga kakanin dito na kung saan minsan ay ginagawa na niyang almusal. Kalinisan lamang ang kailangan sa lugar na hindi imposible kung magtutulungan.

Si Neri Miranda, mas kilala bilang Neri Naig, ay pinanganak noong 1985. Siya as nagsimula sa Star Circle Quest na kung saan siya ay nanalo bilang 6th runner up. Ngayon ay kasal na siya sa vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda at may isang anak na si Miggy.

Did you miss our Tricky Questions? Welcome to another episode of our show! Today our “victims” are people of Kavala. It is they who will answer the new set of really tricky questions our team has prepared. Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? – on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens umalma sa pagdadala ni Heart Evangelista ng liquid sa hand-carry sa loob ng eroplano

Netizens umalma sa pagdadala ni Heart Evangelista ng liquid sa hand-carry sa loob ng eroplano

Netizens umalma sa pagdadala ni Heart Evangelista ng liquid sa hand-carry sa loob ng eroplano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel