Gustong gumaya sa mommy! Anak ni Jackie Forster gustong mag-artista

Gustong gumaya sa mommy! Anak ni Jackie Forster gustong mag-artista

- Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na tumututok sa showbiz na si Jackie Forster na yata ang isa sa mga mommies sa showbiz na nanganak din ng kasing gandang mukha niya

- Mula kina Andre at Kobe Paras, at ngayon naman sa bagong pamilya nito, kitang-kita ang kagandahan ng lahi ng dating aktres

- Kaya naman siguro ang unica hija niya na si Caleigh Simone na sa murang edad na 7 years old ay napapahilig na din sa showbiz life

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balita na tinutukan at binahagi ng GMA Entertainment na unang nakita namin sa kanilang Facebook page na talaga namang nagtrending ngayon ay ang mini-me ni Jackie Forster na si Caleigh Simone na mayroon na ding sariling followers sa social media ay gusto daw sumunod sa yapak ni mommy.

Siguro nga totoo ang kasabihan na, "it runs in the blood," dahil na din sa kagustuhan ng 7 years old na maging isang ganap na artista.

At dito sa KAMI ay suportado namin ang lahat ng mga pangarap lalo na ang mga munting bata.

Naniniwala kami na pag may talento at angking ganda lalo pa pag sinamahan ng sipag, tiyaga, at dedikasyon ay tiyak walang pangarap ang hindi makakamit.

Sa mga Instagram pictures ni Jackie at mismo kay Caliegh ay masasabi mo talaga na siya ay big star in the making.

Kagaya nga ng mommy niya na si Jackie Forster, gusto din ni Caleigh Simone na maging kagaya ng kanyang mommy.

Ayon pa sa aktres, si Caleigh ay charming, at maarte, at kikay.

Dagdag pa ng aktres na mas kamukha daw ng American dad niya si Caleigh pati ang ugali ay manang-mana daw sa tatay.

Kung titingnan ang mga videos ni Caleigh Simone sa IG ay makikita ang pagiging bibo at kikay talaga nito.

Magaling din itong kumunta at tila pinapakanta pa lalo ni Jackie dahil ayon sa report ng '24 Oras' nakakatulong daw ito na palakasin ang kanyang lungs.

Pagdating naman sa aktingan, kitang-kita din ang kagalingan niya sa mga videos na shinishare ng mommy niya at fashionista din ang pretty girl.

Suportado naman ito ng mommy niya at lahat ng pamilya nila.

At sa tingin namin, kakayanin ito ni Caleigh Simone gaya na din sa pagkaya niya sa sakit na cancer.

Nadiagonsed siya ng "juvenile myelomonocytic leukemia," noong 3 years old siya, ayon sa balita.

Ngayon, ay nasa 4 years remission na siya.

Kaya para sa amin walang pangarap ang hindi makakaya ni Caleigh lalo na't buo ang suporta ng mommy at family niya.

Pati din ang mga fans suportado din ang pretty girl.

Kaya go Caleigh!

At sa ibang bahagi, tinanong ng grupo ang mga Pinoy ng mga iilang mga tricky questions at nakaka laughtrip ang nangyari dahil tila napa trick o treat sila sa mga tanong.

Pero higit sa lahat marami din ang natuto.

Tingnan ang video sa baba sa nasabing tanungan.

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, super excited sa nakakapanabik na episode ng Halik mamayang gabi

Netizens, super excited sa nakakapanabik na episode ng Halik mamayang gabi

Netizens, super excited sa nakakapanabik na episode ng Halik mamayang gabi
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel